Sunday , December 14 2025

hataw tabloid

Simon may injury sa likod

INAMIN ni San Mig Super Coffee head coach Tim Cone na nagulat siya sa hindi paglaro ng isa sa kanyang mga pangunahing pambato na si Peter June Simon sa quarterfinals ng PBA Governors’ Cup noong Martes ng gabi. Hindi naglaro si Simon sa 97-90 na panalo ng Coffee Mixers kontra San Miguel Beer dahil sa sakit sa likod. “We didn’t …

Read More »

Pagbili ng prangkisa kinompirma ng NLEX

KOMPIYANSA ang North Luzon Expressway na matatapos na sa mga darating na linggo ang balak nitong bilhin ang isang koponan ng PBA at makalaro na sa susunod na season ng liga. Sinabi ng team manager ng Road Warriors na si Ronald Dulatre na ihahayag niya ang koponang balak nilang bilhin kapag natapos na ang kampanya ng nasabing koponan ngayong PBA …

Read More »

Gregorio ‘di pakakawalan ng Meralco

KAHIT hindi nakapasok sa semifinals ang Meralco sa lahat ng mga torneo ng PBA ngayong season na ito ay walang balak ang Bolts na pakawalan si coach Ryan Gregorio. Sinabi ng tserman ng PBA board of governors at ang bise-presidente ng human relations na si Ramon Segismundo na makikipag-usap siya kay Gregorio sa susunod na linggo upang pag-usapan ang mga …

Read More »

Blackwater tatawag ng tryout

MAGKAKAROON ng tryout ang Blackwater Sports sa susunod na linggo para maghanap ng mga manlalarong makakasali sa lineup nito bilang baguhang koponan sa PBA sa bagong season na magsisimula sa Oktubre ng taong ito. Gagawin ang tryout sa Hunyo 24 at 26 mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa SGS Gym sa Araneta Avenue, Quezon City. Sinabi ni …

Read More »

Relasyong Jasmine-Sam, matatag pa rin

James Ty III KAHIT parehong busy sa magkaribal na network, patuloy ang pagiging sweet ng relasyong Jasmine Curtis at Sam Concepcion. Nag-enjoy sina Jasmine at Sam sa panonood ng laro ng Barangay Ginebra at Talk n Text sa PBA noong Linggo sa Araneta Coliseum at kitang-kita ang pagiging sweet ng dalawang young stars. At kahit nagkaroon ng sigalot si Sam …

Read More »

Relasyon ni Jake kay Chanel Olive, for keeps na raw!

ni Pilar Mateo IN high spirits si Jake Cuenca nang dumalo sa event ng HBC (Hortaleza) sa kanilang National Makeover Day in time rin sa Father’s Day in Trinoma. Hitsura ng concert king na nagkakanta ito at umikot sa ‘di mabilang na  attendees ng nasabing event. “Galing pa nga ako ng taping ng ‘Ikaw Lamang’.  Pinayagan naman ako ng staff …

Read More »

Aktres, nairita sa inihandang interview para sa new show

ni Ronnie Carrasco III UMARIBA na naman ang pagiging highhanded ng isang CPA (time and again, our reference to her ay hindi isang certified public accountant kundi isang currently popular actress). Highhanded in the sense na imbes na sakyan dapat ng aktres na ‘yon ang mga isyu to hype her forthcoming show ay nairita pa sa inihandang treatment sa kanyang …

Read More »

Ayaw paawat si lola!

ni Pete Ampoloquio, Jr. Shakira ang mga entertainment press na nag-attend sa presscon ng pelikulang Overtime under GMA Films na pinagbibidahan nina Rihard Gutierrez at Lauren Young dahil sa shocking na chika ng isang broadsheet entertainment editor tungkol sa nakangingilabot (nakapangingilabot daw talaga, o! Hahahaha!) na tripping ng isang eksenadorang showbiz mom who’s now permanently residing in the US of …

Read More »

Mga naglalakihang artista susugod sa huling leg ng Ginuman Fest 2014

I-CUCULMINATE ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) ang Ginuman Fest 2014 (ang matagumpay at inaabangang taunang concert series ng brand) ngayong Hunyo. Sa loob ng anim na buwan, nilibot ng Ginuman Fest 2014 ang buong bansa kasama ang mga brand ambassadors nito na kinabibilangan ng ilan sa pinaka-maiinit, pinaka-influential, at pinaka-talentadong artista sa industriya. Ngayong ikatlong taon nito, patuloy ang …

Read More »

Negosyante dinukot sa Maynila

TINANGAY ng anim armadong lalaki ang isang negosyante sa tapat ng kanyang bahay sa Arellano St., kanto ng Fortuna St., Brgy. 627, Zone 63, Ramon Magsaysay Blvd., Sta. Mesa, Maynila kahapon. Sa impormasyon mula kay Manila Police District (MPD) Sta. Mesa station (PS 8) commander, Chief Supt. Redentor Ulsano, dakong 1 a.m. nang lumabas ng kanilang bahay ang biktimang si …

Read More »

Dambong ni Napoles mahirap mabawi (Palasyo aminado)

SINANG-AYONAN ng Malacañang ang pahayag ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na mahihirapang mabawi ang mga ninakaw ng tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles. Una na rito, sinabi ni PCGG chairperson Andres Bautista, magiging matagal ang proseso ng pagbawi dahil diringgin sa korte ang kaso at asahan ang sangkaterbang apela na ihihirit ng kampo ni Napoles …

Read More »

NBI kasado sa aresto vs 3 pork senators

AMINADO si National Bureau of Investigation (NBI) Director Virgilio Mendez, nakapaghanda na sila sa posibleng pag-aresto sa mga akusado sa pork barrel case. Ito’y makaraan mag-isyu ang Sandiganbayan ng hold departure order para kina Sens. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla, pati na sa kanilang mga co-accused sa pork barrel case. Ayon kay Mendez, naniniwala silang ano mang …

Read More »

Muntinlupa Assessor’s employee itinumba

TINAMBANGAN ang isang kawani ng Muntinlupa City Hall ng dalawang hindi nakilalang lalaking lulan ng motorsiklo kahapon ng madaling araw. Namatay noon din si Wilfredo Pastrana, 47, biyudo, draftsman sa Assessor’s Office, residente ng Lot 6, Block 28-J, Huli St., Katarungan Village, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City. Sa ulat na natanggap ni Sr. Supt. Allan Cruz Nobleza, hepe ng Muntinlupa City …

Read More »

Kelot tumalon sa bus, dedbol; ex-OFW dumayb sa tulay, patay

PATAY ang isang tatay makaraan tumalon mula sa tumatakbong bus sa bayan ng Del Gallego, Naga City kamakalawa habang binawian din ng buhay ang isang babaeng dating overseas Filipino worker (OFWs) nang tumalon mula sa isang tulay sa Cauayan, Isabela. Kinilala ang biktimang tumalon sa bus na si si Eulogio Ramos, 52-anyos. Sa ulat ng Camarines Sur Police Provincial Office, …

Read More »

Palasyo malamig sa wage hike

MALAMIG ang  Malacañang sa hirit na dagdag sweldo sa mga manggagawa sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ipinauubaya nila sa Regional Tripartie Wages and Productivity board ang pag-aaral at pag-apruba sa wage hike. Ayon kay Coloma, sa ilalim ng umiiral na batas, kailangan ng supervening events para magtaas …

Read More »

Senglot pisak sa tren

NAGA CITY – Napisak ang katawan ng isang lalaki makaraan masagasaan ng tren sa Brgy. Mantalisay, Libmanan, Camarines Sur. Kinilala ang biktimang si Angeles Alano, 63-anyos. Ayon kay PNR Division Manager Constancio Toledano, nahagip ng biyaheng Sipocot-Naga ang biktima. Pasuray-suray aniya ang biktima dahil sa labis na kalasingan kung kaya kahit nakapagpreno pa ang makinista ay nahagip pa rin ng …

Read More »

Floor manager tinarakan ng waiter (Nabwisit sa sermon)

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 57-anyos floor manager makaraan saksakin ng waiter na kanyang sinermonan kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City. Nilalapatan ng lunas sa Valenzuela Medical Center ang biktimang si Joebert Montes, ng A. Pablo St., Fortune 1, Brgy. Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod. Naaresto ng dumaan na traffic enforcers ang suspek na si Randy …

Read More »

Mayon posibleng sumabog

LEGAZPI CITY – Posibleng magresulta sa phreatic o magmatic eruption ano mang oras ang naitatalang volcanic quakes sa nakalipas na mga araw sa bulkang Mayon. Ayo kay Phivolcs Science and Research Analyst Alex Baloloy, may mga factor na pwedeng magpabago sa pagbaba o pagtaas ng materials sa loob ng bulkan lalo na ang magma na nakadeposito ngayon kasabay ang ipinapakita …

Read More »

35 minors, 35 bebot pa nasagip sa human trafficking

NAILIGTAS ng pinagsanib na pwersa ng Anti-Transnational Crime Unit (ACTU) ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Department of Social and Welfare Development (DSWD) ng Pasay City, ang 70 kababaihan, 35 sa kanila ay mga menor de edad, nang salakayin ang isang recruitment agency sa naturang lungsod kamakalawa ng gabi. Sa report na natanggap ng DSWD, Pasay City, galing …

Read More »

AFP ‘di na kailangan vs tumataas na krimen – PNoy

WALANG nakikitang dahilan si Pangulong Benigno Aquino III para atasan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na umayuda sa Philippine National Police (PNP) sa pagsugpo sa lumalalang kriminalidad sa buong bansa. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., batay sa pagsubaybay at pagsusuri ni Pangulong Aquino sa sitwasyon ng seguridad at law and order, hindi niya nakita na may …

Read More »

Retailers binalaan ng Palasyo

NAGBABALA ang Palasyo na ipakukulong ang mga mapagsamantalang maliliit na manininda na magpapatong nang malaki sa presyo ng pangunahing mga bilihin gaya ng bigas, bawang, luya at asukal. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., seryoso ang administrasyong Aquino na tugisin at panagutin ang “profiteers” dahil halaga ng batayang pagkain ng pamilyang Filipino ang kanilang pinagsasamantalahan. “Kaya nga magpupulong ‘yung …

Read More »

Ama ng parak utas sa trike

HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 77-anyos ama ng isang pulis makaraan mabundol ng lasing na tricycle driver habang nagda-jogging kahapon ng mada-ling-araw sa Rodriguez, Rizal. Sa ulat na tinanggap ni Supt. Samuel Delorino, hepe ng Rodriguez PNP, kinilala ang biktimang si Onofre Tavas, Sr., ng 128 M.H. del Pilar St., ng nasabing bayan, ama ni Insp. …

Read More »