Friday , March 24 2023

Palasyo malamig sa wage hike

MALAMIG ang  Malacañang sa hirit na dagdag sweldo sa mga manggagawa sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ipinauubaya nila sa Regional Tripartie Wages and Productivity board ang pag-aaral at pag-apruba sa wage hike.

Ayon kay Coloma, sa ilalim ng umiiral na batas, kailangan ng supervening events para magtaas ng sweldo.

Inihayag ni Coloma, hindi pa maituturing na supervening events ang nangyayaring artificial na pagtaas ng presyo ng bigas, bawang, luya at iba pa.

“Ayon po sa batas, mayroong umiiral na proseso sa pagturing at pag-aaral kung magiging makatwiran ang pagtataas ng sweldo, at ang ating proseso dito ay ‘yung pagkakaroon ng regional wage boards na isinasaalang-alang ang iba’t ibang kondisyong umiiral sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa. Kaya hintayin po natin na umiral itong proseso ng regional wage boards. Tinututukan naman po ‘yan ng ating mga awtoridad,” ani Coloma.

Tiniyak ni Coloma na prayoridad ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagpapanatili ng monetary stability para maibsan ang epekto ng inflation rate sa bansa.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …

Leave a Reply