Tuesday , June 23 2026
Cayetano SEA Games
PERSONAL na sinuportahan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang Alas Pilipinas Team (Men and Women), Philippine Table Tennis Federation, at Beach Volleyball Team sa isang send-off luncheon at fellowship na kanyang pinangunahan sa Lungsod ng Taguig. (Sen. APC photos)

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan bilang suporta sa 33rd Southeast Asian (SEA) Games na nagsimula kahapon, December 9, sa Thailand.

Bilang dating chairman ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) na nangasiwa sa matagumpay na hosting ng 2019 SEA Games, batid ni Cayetano kung gaano kahalaga ang tulong ng gobyerno – kahit behind-the-scenes – para sa bawat atletang kumakatawan sa bansa. 

Kaya naman personal niyang sinuportahan ang Alas Pilipinas Team (Men and Women), Philippine Table Tennis Federation, at Beach Volleyball Team sa isang send-off luncheon at fellowship na kanyang pinangunahan sa Lungsod ng Taguig nitong December 5 at 8, 2025.

“If you do it right, now is your time… at kung may isang bagay na hindi namin maaaring kunin mula sa inyo, ito ay ang inyong fighting spirit, ‘yung puso talaga. The whole country is behind you,” mensahe ng senador sa mga atleta, bilang isang sports enthusiast at kasalukuyang Chairman Emeritus ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF).

Dagdag pa ni Cayetano, ang kanyang suporta ay hindi lamang para sa tatlong koponan ang kanyang suporta kundi para sa buong Philippine delegation na magdadala ng bandera ng Pilipinas sa Thailand. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …

Serbia vs Dominican Republic W VNL

Serbia bumangon, Dominican Republic hanap pa rin ang unang panalo

MULING nakabalik sa tamang landas ang Serbia matapos pataubin ang Dominican Republic, 25-19, 25-23, 25-18, …