Saturday , January 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nijel de Mesa Direku figurine

Direk Nijel de Mesa at NDM execs, todo-celebrate sa 25th anniversary launch ng “Direku” figurine!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA na namang milestone ang nagawa ng NDMstudios nang ilunsad nila ang limited edition na “Direku” commemorative figurine sa Le Verre Café & Bar sa Sct. Torillo, QC. at sobrang sulit ang celebration!

Ang “Direku,” na based sa viral hand-drawn online comic strip noong 2011 ay ang kauna-unahang IP character collectible ng NDMstudios—na parang Pop Mart figurine. Disenyo ito mismo ni Direk Nijel na kilala rin bilang animator and illustrator.

“Isa siyang director sa pelikula na obsessed humanap ng kanyang Ikigai o katuturan sa buhay,” kuwento ni Director Nijel, President-CEO ng NDMplus.

Dagdag pa ng masipag at astig na filmmaker, “Super-hyper, laging busy at todo-bigay sa pagtulong… pero ayun, madalas nauuwi na hindi siya nauunawaan ng kanyang mga tinutulungan.”

Limited talaga ang paandar na ito dahil 500 pieces lang ang ginawa na “Direku” figurine—kaya collector’s gold ito!

Present sa event ang sandamakmak na sikat sa entertainment industry! Nandoon sina Arci Muñoz, Kim Rodriguez, Richard Quan, Robert Seña, Nico Locco, Anthony Ocampo, Direk Rahyan Carlos, Josh Yugen, Ynez Veneracion, Gene Padilla, Moymoy Palaboy, Chichirita, Arnold Reyes, at marami pang iba.

Bukod sa launch, ipinakita rin nila ang bagong milestone ng NDMstudios para sa 2025: ang NDMplus. Ang NDMplus ay isang premium global streaming platform na dedicated para sa mga solid fans ng NDMstudios. Nauna itong inilunsad sa Singapore noong October at simula noon, sunod-sunod na sila sa paggawa ng films at series. Nang dahil sa kanilang NDM Expo sa Singapore, nakipag-collab na sila sa international entertainment giants tulad ng Sony, AMC Networks’ Acorn TV, ALLBLK, HIDIVE, Shudder, Sundance Now, Crunchyroll, Tubi, Roku Channel, OUTtv, Rakuten Viki at marami pang iba. Talagang bigatin!

Nagbigay din ng suporta si Ms. Annette Gozon-Valdes, Senior Vice President ng GMA Network: “We are here to show our support and appreciation sa creative collaborations ng NDMstudios with GMA and Sparkle,” aniya.

Present din ang ibang big bosses ng NDMstudios at NDMplus tulad nina Executive Vice President Jan Christine, Chief Legal Counsel Atty. Jiji Jorge, at Board Member/Director Carlo Alvarez.

Good news sa collectors abroad: available din ang “Direku” figurine sa Japan ngayong Christmas season hanggang early next year. Kasi siyempre, worldwide ang fangirling at fanboying para kay “Direku”!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Crisanto B Aquino

Presyo ng tiket sa movie nina Rabin at Angela binabaan

MATABILni John Fontanilla MUKHANG magiging masaya ang mga supporter ng tambalang Rabin Angeles at Angela Muji dahil very affordable …

Paolo Gumabao Sara Sandeva Spring in Prague Ferdinand Topacio Marco Gomez

Topacio iginiit pamamahala ng MMFF ilipat sa FDCP, NCCA

I-FLEXni Jun Nardo MALALAMAN kay Atty. Ferdie Topacio na mahal niya ang local showbiz. Pati nga lumang …

Toni Gonzaga Paul Soriano

Toni inihalintulad sa dumi nagpapakalat ng maling tsismis sa power couple

I-FLEXni Jun Nardo TINABLA na ni Toni Gonzaga ang pagsama nila ng asawang si Paul Soriano na power couple …

Bam Aquino Bianca Gonzales Y Speak

Bam Aquino sasamahan nina Elijah at KD sa Y Speak

HINDI maiwasang magbalik-tanaw ni Senador Bam Aquino sa kanyang karanasan bilang host kasunod ng pag-anunsiyo ng pagbabalik …

GMA Regional tv

GMA artists bubusugin sa saya mga Pangasinense

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG unforgettable evening ang tiyak na hatid ng ilang GMA stars sa mga …