Saturday , January 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marcos Mamay

Marcos Mamay, humahataw sa larangan ng public service at sa mundo ng showbiz

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SA pagtatapos ng kasalukuyang taon, si Vice Mayor Marcos Mamay ay nakapagtala ng remarkable achievements sa mundo ng politika bilang public servant at sa industriya ng entertainment.

Noong November 26, si VM Mamay ay nahalal bilang Vice President for Operations ng Vice Mayors League of the Philippines (VMLP) sa 29th National Convention nito sa Manila Hotel. Siya rin ay National Vice President of the League of Municipalities of the Philippines (LMP), na nagpapakita ng kanyang mahalagang papel sa national governance at policy leadership.

Naging three-term mayor ng Nunungan, Lanao del Norte, si Mamay ang nasa likod ng mahalagang pagbabago sa municipality sa pamamnagitan ng major infrastructure projects, peace-building initiatives, at economic development, na nag-angat sa Nunungan mula sa third-class to first-class.

Bukod sa public office, tumatak rin ang kanyang pangalan sa showbiz . Ang kanyang inspirational biopic na “Mamay: A Journey to Greatness,” na pinamahalaan ni Direk Neal “Buboy” Tan ay nagpapakita ng kanyang pinagmulan mula hardship to leadership. Si Mamay ay naging Assistant Director din dito, para masiguro ang authentic portrayal ng kultura at tradisyon ng Maranao.

Ang pelikula ay sumungkit ng maraming parangal sa 73rd FAMAS Awards. Nanalo ito ng limang major honors kabilang ang Best Supporting Actor (Jeric Raval), Best Production Design, Best Musical Score, Best Original Song, at Best Cinematography.Si VM  Mamay mismo ay tumanggap two special accolades – bilang Film Producer of the Year para Mamay Productions at ang Presidential Award. Ito ay endorsed ng Department of Education at ng National Commission on Muslim Filipinos, ang pelikulang Mamay ay ipinalalabas sa mga paaralan, nationwide.

Nagpatuloy ang tagumpay ng nasabing pelikula sa theme song na “Hamon,” composed by Vehnee Saturno, produced by Mamay, and performed by Gerald Santos, nanalo ito as Indie Movie Theme Song of the Year sa 41st PMPC Star Awards for Movies. Si VM Mamay ay itinanghal din dito bilang Outstanding Producer and Media Advocate of the Year .

Si Mamay ay Executive Adviser ng Actors Guild of the Philippines, na nagbibigay-daan sa mas magandang pagkakataon sa Mindanao-based artists. Ang Mamay Productions ay nagpo-produce ng pelikula, concerts, at coffee table books. Ang upcoming projects nila ay ang “OFW, One Life to Live,” at ang “Babae sa Salamin.” Ang Mangyan-themed pelikula starring Ejay Falcon ay panibagong hakbang sa kanyang adbokasiya na I-empower ang mga artist at gumawa ng socially relevant Filipino story.

Sabi ni VM Mamay, “With Mamay Productions, our goal is simple yet powerful: to provide opportunities for artists, uplift the local film industry, and share meaningful Filipino stories that educate, entertain, and inspire audiences both here and abroad.”

Aniya pa, “2025 has been an overwhelming blessing. MAMAY was created from the heart of my journey, and seeing it receive recognition—while stepping into new national leadership roles—is something I will always be grateful for. These honors remind me that whether in governance or in film, the purpose remains the same: to inspire, uplift, and make a difference.”

Sa pagtatapos ng taon, si Marcos Mamay ay patuloy na kinikilala sa mundo ng public service at showbiz. Sa kanyang mas malalim at bagong layunin, sasalubungin niya ang 2026 na handang maglinkod nang mas may malawak na vision, impact, at reach.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Toni Gonzaga Paul Soriano

Toni inihalintulad sa dumi nagpapakalat ng maling tsismis sa power couple

I-FLEXni Jun Nardo TINABLA na ni Toni Gonzaga ang pagsama nila ng asawang si Paul Soriano na power couple …

Bam Aquino Bianca Gonzales Y Speak

Bam Aquino sasamahan nina Elijah at KD sa Y Speak

HINDI maiwasang magbalik-tanaw ni Senador Bam Aquino sa kanyang karanasan bilang host kasunod ng pag-anunsiyo ng pagbabalik …

GMA Regional tv

GMA artists bubusugin sa saya mga Pangasinense

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG unforgettable evening ang tiyak na hatid ng ilang GMA stars sa mga …

Vina Morales Gladys Reyes Neil Ryan Sese

Vina nagkakapasa-pasa sa awayan nila ni Gladys 

RATED Rni Rommel Gonzales MASAYANG nakipagkulitan ang mga bida ng Cruz vs. Cruz na sina Vina Morales, Gladys …

Sean Raval Jeric Raval

Sean gustong makilala bilang action star:  hindi dahil kamukha ko siya

RATED Rni Rommel Gonzales WALA sa cast ng Spring In Prague ang young male star na si Sean …