Sunday , December 14 2025

hataw tabloid

Palasyo sa OFWs sa Iraq, Libya: ‘Wag magmatigas

MULING nanawagan ang Malacañang sa mga kababayang may kamag-anak sa Iraq at Libya na kausapin ang mga mahal sa buhay na overseas Filipino workers (OFWs) doon para boluntaryong magpa-repatriate pauwi ng bansa. Ito’y bunsod ng pagtindi ng kaguluhan sa dalawang Muslim countries partikular sa Iraq na patuloy ang paglusob ng al-Qaida-breakaway group na kilala bilang Islamic State of Iraq and …

Read More »

‘Summer again’ monsoon break lang — PAGASA

NILINAW ng Pagasa na hindi nagbalik ang summer season sa kabila ng nararanasang mainit na lagay ng panahon. Ayon sa Pagasa, nasa “monsoon break” ang panahon sa ating bansa ngayon. Paliwanag ng mga eksperto, humina ang habagat habang ang mga kaulapang inaasahang maghatid ng ulan ay nahatak na ng mga dumaang sama ng panahon, kabilang na ang bagyong Ester at …

Read More »

38 katao nalason sa itlog na maalat

DAGUPAN CITY – Nilalapatan ng lunas sa isang ospital sa bayan ng Tayug sa lalawigan ng Pangasinan ang 38 katao dahil sa pagkalason sa kinain na itlog na maalat. Ayon kay Dr. Alfredo Sy, chief ng Eastern Pangasinan District Hospital, ang natu-rang mga pasyente ay mula sa karatig bayan na Sta. Maria na dumaing ng pana-nakit ng tiyan at pagsusuka. …

Read More »

Buntis, utol sumalpok sa oil tanker todas

PATAY ang isang buntis at ang kanyang kapatid nang bumangga ang kanilang kotse sa oil truck sa Brgy. Santo Tomas, Jaen, Nueva Ecija kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Aries dela Cruz, 31, at Arlene Goto, walong buwan buntis. Habang sugatan ang da-lawa pang pasahero ng kotse. Ayon sa pulisya, pauwi sa Jaen mula sa Pampanga ang kotse nang bumangga …

Read More »

Nabagansiyang laborer itinumba sa brgy. hall

SUGATAN ang isang construction worker makaraan barilin ng hindi nakilalang lalaki habang nakaposas sa loob ng barangay hall sa Baseco Compound, Port Area, Maynila kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Arsenio Roble, 48, ng Blk. 9 Ext., Baseco Compound, Port Area, Maynila. Habang mabilis na nakatakas ang suspek lulan ng motorsiklo. Ayon kay …

Read More »

8-anyos totoy ipinatuklaw sa ahas ni itay (Binato ng martilyo, hinampas ng buckle, pinaputukan ng baril)

TAMBAK na kaso ang kinakaharap ng isang ama makaraan ipatuklaw sa ahas, paluin ng buckle ng sinturon batuhin ng martilyo at paputukan ng baril ang kanyang 8-anyos anak na lalaki sa Binangonan, Rizal. Sa ulat na tinanggap ni S/Supt. Bernabe Balba, Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang naarestong ama na si Gerardo Atabo Pampilo, 45, nakatira sa Blk-28, Lot-16, Phase-1B, …

Read More »

House arrest hirit ni Jinggoy

KUNG siya ang masusunod, mas nanaisin ni Senador Jinggoy Estrada na isailalim na lamang sa house arrest imbes makulong sa bagong selda na inihanda ng Philippine National Police (PNP) para sa mga akusado sa pork barrel scam. Gayon man, aminado si Estrada na maliit lamang ang pag-asa na pagbigyan ng Sandiganbayan 5th Division ang kanyang kahilingan para sa house arrest. …

Read More »

Selda ng 3 pork senators handa na — PNP (Walang VIP, malinis lang)

MAKARAAN maipakita sa media ang magandang custodial center sa loob ng Camp Crame na pagkukulungan sa mga akusado sa pork barrel fund scam, nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na walang VIP treatment na mangyayari kahit pa maituturing na mga high profile ang mga akusado. Ayon kay PNP spokeperson, Chief Supt. Reuben Sindac, bukod sa isang higaan, electric fan at …

Read More »

Bong handa na; Tips sa buhay-hoyo hiningi kay Trillanes

INAMIN ni Senador Antonio Trillanes IV na kumunsulta na sa kanya si Senador Ramon Revilla, Jr., ukol sa buhay sa loob ng kulungan ng isang bilanggo. Magugunitang si Trillanes ay minsan nang nakulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center bunsod ng kudeta laban sa administrasyon ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. Ayon kay Trillanes, sinabi niya …

Read More »

HDO vs JPE, Bong et al inilabas na

INILABAS na rin ang hold departure order (HDO) kahapon para kina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., at iba pang mga akusado sa pork barrel fund scam. Magugunitang kamakalawa ay unang inilabas ang HDO laban kay Sen. Jinggoy Estrada kasama sina Janet Lim-Napoles, Pauline Labayen, Mario Relampagos, Rosario Nunez, Lalaine Paule, Marilou Bare, Allan Javellana, …

Read More »

6-anyos, 3 pa tiklo sa shabu

KIDAPAWAN CITY – Arestado ng pulisya ang isang 6-anyos batang babae at tatlo pang kabataan sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa lalawigan ng Cotabato kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga suspek na si Alvin Alamada, 20, at sina alyas Saudi, 15; alyas Tanya, 16; at ang 6-anyos na si alyas Sophia, pawang mga residente ng Brgy. Poblacion sa Kabacan, …

Read More »

Yagbols sapol sa shotgun ng kaibigan (Binatilyo napisak sa palpak na jack)

BACOLOD CITY – Minalas na tamaan sa kanyang ari ang isang lalaki sa naganap na shooting incident kamakalawa ng gabi sa Bacolod City. Kinilala ang biktimang si Reymund Babor, 20, residente ng Brgy. Bata, Bacolod City. Batay sa imbestigasyon, dakong 8:15 p.m. nang magkaroon ng komosyon ang biktima at ang hindi pinangalang kanyang kaibigan. Binaril ng suspek ng 12-gauge shot …

Read More »

Good feng shui bedroom

WALANG magiging katahimikan sa tahanan kung natutulog kayo sa bad feng shui bedroom. Ang good feng shui bedroomay nagsusulong ng harmonious flow ng nourishing and sensual energy. Ang good feng shui bedroom ay nanghahalina, pinasasaya ka, at pinakakalma. Ang good feng shui bedroom ay masaya at mawiwili kang manatili, para maidlip lamang o para matulog sa gabi, gayundin para sa …

Read More »

Ang Zodiac Mo

Aries (April 18-May 13) Dapat kontrolin ang pagiging mainitin ng ulo upang maging malapit sa mga tao. Taurus (May 13-June 21) Inirerekomenda ng mga bituin na magmantine ng positibong relasyon sa mga kasama, katrabaho at partner. Gemini (June 21-July 20) Mangangamba kaugnay sa hindi pagkakaunawaan sa mga taong malapit sa iyong puso. Cancer (July 20-Aug. 10) Ang pagsisikap na mas …

Read More »

Itim na pusa at daga sa drims

Ello Señor H, Napangnp ko na may pusa at kasma niya ung daga d ko maintndhan kng bakit ganun pnagnip ko, wala namang daga o pusa s haws namin, itim un pusa kya napaisip ako na msama ba khulugna nun? slamat senor, wag mo po papablis cp ko, Jean To Jean, Ang pusa ay sagisag ng independent spirit, feminine sexuality, …

Read More »

Fold-up scooter kasya sa handbag

NAKA-IMBENTO ang university student ng revolutionary adult scooter na maaaring i-fold ng hanggang kasukat ng A4 piece ng papel. Ang disenyo ni George Mabey ay ang pagkakabit-kabit sa mga bahaging aluminum sa pamamagitan ng cable, na kapag hinigpitan ay magsasama-sama ang mga bahagi na maaaring bitbitin. Napagwagian ng 22-anyos ang top prize ng pamosong Power of Aluminium awards na isinulong …

Read More »

Away

Misis: Hindi ko na kaya ‘to! Araw-araw na lang tayong nag-aaway… Mabuti pa, umalis na ako sa bahay na ‘to! Mister: Ako rin, sawang-sawa na! Away rito, away roon! Mabuti pa siguro, sumama na ako sa ‘yo! *** Ang isinumpang Prisipe Horse: Mahal na prinsesa ‘wag kayong matakot dati akong prinsipe na isinumpa. Prinsesa: Ha! Ang ibig mo bang sabihin …

Read More »

Cookies na nagpapalaki ng boobs

KALIMUTAN ang mga ehersisyong pampalaki umano ng boobs: Mayroon nang bagong bust-booster na naimbento. Nilikha ng confectionery maker sa Japan na B2Up ang tinaguriang ‘F Cup’ cookies, na ayon sa nakaimbento ay nakapagpapalaki ng breast size dahil ang bawat isa nito ay naglalaman ng 50mg ng Pueraria Mirifica extract, isang extract na matatagpuan sa halaman sa hilaga at hi-lagang-silangang Thailand. …

Read More »

Hanap ST no age limit

”Gud day Wells…Hanap ako ng sexm8. No age limit. Boys Only! Dis is my 2 #s…0921-4756042 and 0949-4884116. TY and More Power!…Txt na!” CP# 0921-3557227 “Hi Kua Wells..Im DAYJAY hanap ko gurl na txtm8, un masarap ka txt. Thnx & more power po sa SB!” CP#0905-6363309 ”Gud am Kuya Wells…Im RICKY, 31 years old, gwapo looking for female, 31 years …

Read More »

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 5)

ISANG MALAKING ‘DISGRASYA’ ANG NAGPABAGO SA BUHAY NI POGI Napatunayan ko kay Miss Apuy-on na hindi lahat ng katangian ay ipinagkakaloob ng Di-yos sa isang nilalang. Mabait siya at matalino. Pero sa aming paaralan ay higit na napagtutu-unan ng pansin ng mga estudyante at ng mga kapwa guro niya ang kanyang kaliitan, kaitiman at “never mind” na mukhang nagpipintugan ang …

Read More »

Sa Daigdig ng mga Engkanto (Ika-57 labas)

KASABAY NA NAGLAHO NI CARMINA ANG MGA PANGARAP NA MINSAN PILIT NA INABOT PERO SA REHAS NAGWAKAS Nasilayan ko ang pilit na ngiti ni Carmina. Sabay sa mga katagang “antok na antok na ako” ay nagpikit siya ng mga mata. At pagkaraa’y hinigit niya ang dalawang balikat sa paghahabol sa kahuli-hulihang hibla ng hininga. Naghagulgulan sa pag-iyak ang mga kapatid …

Read More »

Txtm8 & Greetings!

I need hot girls s6m8, txtm8 im albert… +639361854934 gud vday readers! Im Mhigz, 28 of Q.C . 5’7 hyt, Moreno average look. Hanap po ng someone, buddy o kht cnu basta no gays na willing mkipagmeet. I hope diz iz d way para mkta kta. Hav a nice day! …+639997286357 Gndang umaga po gusto ko magkaroon ng ktxtm8/sexmate na …

Read More »

Ginebra kontra Alaska

TAGLAY ang twice-to-beat advantage, nais ng Rain Or Shine at Alaska Milk na maidispatsa kaagad ang mga kalaban sa quarterfinals ng PLDT Home Telpad PBA Governors Cup mamayang gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Maghaharapang Elasto Painters at seventh seed Air 21 sa ganap na 5:45 pm. Magtutuos naman ang Aces at sixth seed Barangay Ginebra sa ganap …

Read More »

Gilas mag-eensayo na sa Hulyo

MAGSISIMULA sa unang linggo ng Hulyo ang araw-araw na ensayo ng Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup sa Espanya at Asian Games sa Incheon, Korea. Sinabi ni Gilas coach Chot Reyes na hihintayin niyang matapos ang PBA Governors Cup sa Hulyo 9 bago magsimula ang ensayo ng national team. Sa ngayon ay libre nang mag-ensayo sa RP team sina …

Read More »

Pirates target ang top 4

PAKAY ng Lyceum of the Philippines University Pirates na pumasok sa top 4 sa 90th National NCAA seniors basketball at hangad din nila na maging regular member na sila ng liga. “Handa na kami ngayong season kahit anong mangyari manalo o matalo makikita n’yo ang Pirates na lumalaban hanggang sa huli,” wika ni LPU coach Bonnie Tan. Sabi pa ni …

Read More »