Monday , August 15 2022

6-anyos, 3 pa tiklo sa shabu

KIDAPAWAN CITY – Arestado ng pulisya ang isang 6-anyos batang babae at tatlo pang kabataan sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa lalawigan ng Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na si Alvin Alamada, 20, at sina alyas Saudi, 15; alyas Tanya, 16; at ang 6-anyos na si alyas Sophia, pawang mga residente ng Brgy. Poblacion sa Kabacan, North Cotabato.

Ayon kay North Cotabato PNP provincial director, SSupt. Danilo Peralta, nahuli ang mga kabataan sa buy-bust operation ng pwersa ng CIDG-Cotabato at Kabacan PNP sa Purok Chrislam Village, Brgy. Poblacion, Kabacan.

Kabilang sa nakompiska mula sa mga suspek ang 50 gramo ng shabu, drug paraphernalia, cellphones at marked money.

Nasa pangangalaga na ng CIDG-Cotabato ang mga suspek at patuloy na iniimbestigahan.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

081522 Hataw Frontpage

Endo sa gobyerno wawakasan na
HB 521 PAG-ASA NG CONTRACTUAL EMPLOYEES

BINIGYANG pag-asa ni Kabayan partylist Rep. Ron Salo ang mahigit 660,000 contractual at job order …

e-Sabong

Jobless dumami sa suspensiyon ng e-Sabong

BUKOD sa pananalasa ngpandemyang dulot ng CoVid-19, naniniwala ang mga taga-industriya na malaki ang naging …

deped

28-M enrollees target ng DepEd bago ang Aug 22!

UMABOT na sa 17, 900,833 ang naitala na nagparehistrong mag-aaral Mula July 25 para sa …

lovers syota posas arrest

P43.5-M shabu, cocaine, damo, ecstasy drugs kompiskado sa magdyowa

UMABOT sa P43.5 milyong halaga ng cocaine, shabu, ecstasy at marijuana  ang nakompiska ng Quezon …

sk brgy election vote

Eleksiyon sa barangay at SK iliban – Hataman

DAHIL SA PANDEMYA, nagmungkahi si Basilan Rep. Mujiv Hataman na ipagpaliban muna ang eleksiyon sa …

Leave a Reply