Aries (April 18-May 13) Dapat kontrolin ang pagiging mainitin ng ulo upang maging malapit sa mga tao.

Taurus (May 13-June 21) Inirerekomenda ng mga bituin na magmantine ng positibong relasyon sa mga kasama, katrabaho at partner.

Gemini (June 21-July 20) Mangangamba kaugnay sa hindi pagkakaunawaan sa mga taong malapit sa iyong puso.

Cancer (July 20-Aug. 10) Ang pagsisikap na mas maging malapit sa isa’t isa ang mga miyembro ng pamilya ay posibleng maapektuhan ng problema.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Kailangang maipresenta ang proyekto sa pinakasimpleng paraan.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ang iyong pangunahing mithiin ngayon ay maayos ang iyong mga prayoridad.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Mapupuno ka ng pangamba lalo na kung nais mong maging perpekto ang lahat ng bagay.

Scorpio (Nov. 23-29) Makikilala ang tunay na kaibigan sa oras ng pangangailangan.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Bago bumigay sa pagkombinse ng kaibigan, timbangin munang mabuti ang kanyang iniaalok.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Tatanggapin mo maging ang trabahong hindi nakaatang sa iyo.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Ikaw ay mapupuno ng saya bagama’t malayo ka sa inyong tahanan.

Pisces (March 11-April 18) Maasahan ang pagbuti ng pamumuhay ng pamilya dahil sa iyong pagsusumikap.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Kailangan pag-isipan nang mabuti ang lahat ng iyong aksyon upang hindi magkamali.

Lady Dee