Wednesday , May 29 2024

Sa Daigdig ng mga Engkanto (Ika-57 labas)

KASABAY NA NAGLAHO NI CARMINA ANG MGA PANGARAP NA MINSAN PILIT NA INABOT PERO SA REHAS NAGWAKAS

Nasilayan ko ang pilit na ngiti ni Carmina. Sabay sa mga katagang “antok na antok na ako” ay nagpikit siya ng mga mata. At pagkaraa’y hinigit niya ang dalawang balikat sa paghahabol sa kahuli-hulihang hibla ng hininga.

Naghagulgulan sa pag-iyak ang mga kapatid ni Carmina. Ang kanyang inang si aling Azon, sa tuluyang paglisan ng mapagmahal na anak, ay tulalang napaluha.

Ipinabaon ko kay Carmina ang aking mahigpit na yakap at halik ng pagmamahal na walang pagmamaliw.

Pero hindi pa man natutuyo ang luha ko sa mga pisngi, sa pagbabang-pagbaba ko sa bahay nina Carmina ay isang marahas na kamay ang bumatak sa kuwelyo ng aking polo. Pagbagsak kong padapa sa mga baytang ng hagdan ay may kumulatang baril sa akin. Guma-labog sa likod ko. At may mabilisang nagposas sa aking mga kamay.

“Gago ka, pinahirapan mo kami, a,” sabi ng pulis na dumakma sa batok ko habang pasalikod na nakaposas ang aking mga kamay.

Wala na akong kawala. Pero isang mariing kulata ng puluhan ng baril ang dumapo pa sa batok ko.

Ang dating mundo ko na minsang kinulayan noon ng aking mga pangarap ay nagmukhang malapad na iskrin ng isang sinehan na biglang nagdilim sa pagtatapos ng pelikula. Wala na nga kasi si Carmina ko… wala na.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay. Nang matauhan at magmulat ng aking mga mata ay naliligiran na ako ng mga pader at rehas na bakal. Inot-inot akong tumindig mula sa pagkakabulagta sa sementadong sahig ng piitan

Sumilip ako sa maliit na bintanilyang bakal din ang mga rehas. Madilim na ang buong paligid ng kinapipiitan ko. Bahagya mang liwanag ng araw ay wala na. Tini-ngala ko ang langit. Gabi na. At mariin akong napapikit. Umuukilkil sa aking utak: “Wala nang nalalabing mahalaga sa buhay ko, maliban na lang marahil kung marara-ting ko ang pinaroonan ni Carmina na sabik na naghihintay sa akin.”   (Wakas)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

SSS, Bocaue LGU lumagda sa MOA para sa social security coverage ng JO workers

SSS, Bocaue LGU lumagda sa MOA para sa social security coverage ng JO workers

IPINAHAYAG ng Social Security System (SSS) na mahigit 800 job order (JO) na manggagawa sa …

Puregold SB19 BINI SunKissed Lola Flow G

SB19, BINI, SunKissed Lola, Flow G, at Puregold may bonggang kolaborasyon sa Nasa Atin ang Panalo music video

INILABAS na ng Puregold ang music video ng bagong kantang Nasa Atin ang Panalo matapos ang ilang linggong pagtaas …

Joshua Garcia inalala pagiging Ultimate Boyfriend ng TikTok

Joshua Garcia inalala pagiging Ultimate Boyfriend ng TikTok

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TULAD ng maraming matagumpay na celebrities sa Tiktok, masasabing nagsimulang magka-lovelife …

DOST Region 2 awards P42-M iFund to empower over 38 MSMEs in the region

DOST Region 2 awards P42-M iFund to empower over 38 MSMEs in the region

ACKNOWLEDGING the vital role of MSMEs in the Philippine economy, the Department of Science and …

DOST, AIEC and NEA ink MoU to promote Energy Security in PH

DOST, AIEC and NEA ink MoU to promote Energy Security in PH

The Department of Science and Technology (DOST), together with the Association of Isolated Electric Cooperatives …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *