Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

121225 Hataw Frontpage

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa Insurance Commission (IC) na panatilihin ang dating sistema ng paseguro sa mga pasahero ng pampublikong sasakyan sa ilalim ng Passenger Personal Accident Insurance (PPAI).

Sa apat na pahinang liham ni Vigor kay IC Commissioner Reynaldo Regalado, may petsang 4 Disyembre 2025, ang pagkakaroon ng dalawang Management Company na mangangasiwa ng PPAI ay naglalayong maproteksiyonan at magkaroon ng standard at maayos na benepisyo ang mga pasahero sakaling magkaroon ng aksidente.

Binigyang-diin ni Vigor sa kanyang liham sa IC ang pagkakaroon ng dalawang kompanya ng seguro para sa PPAI ay matitiyak din ang proteksiyon ng sistema laban sa anumang katiwalian, pag-iral ng bukas o transparent na sistema na tutukoy sa mga plaka, operators, enforcers at iba pang paraan na magpapadali sa pagkubra ng benepisyo ng mga pasahero.

Nauna nang nabunyag na binigyan ng accreditation ng IC ang PAMI, SCCI, at Stronghold consortium na magiging Management Company ng PPAI kahit dalawang kompanya lamang ang nakatugon sa itinakdang deadline ng ahensiya.

Binigyan ng IC ng 60 days deadline ang mga insurance consortium para magsumite ng lahat ng mga dokumento, limang taon bago mag-expire ang hawak nilang accreditation.

Pumatak sa 30 Nobyembre 2025 ang deadline ngunit 1 Disyembre 2025 na nakapagsumite ang Stronghold consortium kaya kuwestiyonable ang inisyu ng IC na accredition para rito.

Ayon kay Vigor, ang pagkakaroon ng tatlong kompanya para sa PPAI ay magpapahina pa sa kapasidad nito na matiyak ang proteksiyon ng mga pasahero base sa itinakda ng batas.

Tahasang sinabi ni Vigor na ang pagpapanatili ng dalawang kompanya para sa passengers protection ang pinakaepektibong paraan ayon sa constitutional mandate na nagtatakda ng katiyakang proteksiyon sa mga pasahero ng pampublikong sasakyan. (HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …