Saturday , March 25 2023

Pagbili ng prangkisa kinompirma ng NLEX

KOMPIYANSA ang North Luzon Expressway na matatapos na sa mga darating na linggo ang balak nitong bilhin ang isang koponan ng PBA at makalaro na sa susunod na season ng liga.

Sinabi ng team manager ng Road Warriors na si Ronald Dulatre na ihahayag niya ang koponang balak nilang bilhin kapag natapos na ang kampanya ng nasabing koponan ngayong PBA Governors’ Cup.

“Right now, we’re focusing na lang ‘dun sa isa (na team),” wika ni Dulatre sa panayam ng programang PTV Sports noong isang araw. “With respect dun sa target team namin, we’ll just wait for their last game sa Governors Cup para naman maganda ‘yung result.”

Hindi sinabi ni Dulatre kung ano ang koponang balak ibenta ang prangkisa sa NLEX ngunit ayon sa ilang mga sources,   nakikipag-usap ngayon ang Road Warriors sa kahit sino sa Air21 o Alaska.

Dahil sa pangyayaring ito, magiging 12 at hindi na 13 ang mga koponang kasali sa PBA sa darating na ika-40 season na magbubukas sa Oktubre.

Naunang nakapasok bilang expansion teams ang Blackwater Sports at Kia Motors pagkatapos na parehong nagbayad ng franchise fee na P100 milyon.

“We feel na hindi namin magagawa yun (maging competitive) kung hindi kami magkakaruon ng direct hire, so we resorted to buying an existing franchise,” ani Dulatre.

Kapag nakumpleto na ng NLEX ang pagbili ng prangkisa sa PBA, kailangan itong aprubahan ng PBA board of governors.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply