Friday , March 24 2023

Simon may injury sa likod

INAMIN ni San Mig Super Coffee head coach Tim Cone na nagulat siya sa hindi paglaro ng isa sa kanyang mga pangunahing pambato na si Peter June Simon sa quarterfinals ng PBA Governors’ Cup noong Martes ng gabi.

Hindi naglaro si Simon sa 97-90 na panalo ng Coffee Mixers kontra San Miguel Beer dahil sa sakit sa likod.

“We didn’t get the word on PJ (Simon) until two hours before the game started that he couldn’t even stand up at home. Shocking because we just had a shootaround this morning. That was a big blow for us, PJ means so much for this team,” wika ni Cone.

Ngunit kahit wala si Simon ay tumulong ang rookie na si Justin Melton para pabagsakin ng Mixers ang Beermen.

Nagtala si Melton ng 16 puntos bilang suporta kay Marqus Blakely na nagtala ng 25 puntos at 18 rebounds.

Hindi sigurado si Cone kung lalaro si Simon sa Game 1 ng semis kung saan haharapin ng San Mig ang Talk n Text.

Naunang sinibak ng Tropang Texters ang Barako Bull, 99-84, upang makapasok din sa semis.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply