Thursday , March 23 2023

Floor manager tinarakan ng waiter (Nabwisit sa sermon)

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 57-anyos floor manager makaraan saksakin ng waiter na kanyang sinermonan kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Nilalapatan ng lunas sa Valenzuela Medical Center ang biktimang si Joebert Montes, ng A. Pablo St., Fortune 1, Brgy. Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod.

Naaresto ng dumaan na traffic enforcers ang suspek na si Randy Villaran, 26, ng Kalaw St., Ermita, Maynila, nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Sa ulat ni PO3 Edwin Mapula, dakong 7:15 p.m. nang maganap ang insidente sa tapat ng Joesa Entertainment bar sa McArthur Highway, Brgy. Karuhatan.

Nakatayo ang suspek sa labas ng bar nang lapitan ng biktima at pinagsabihan kaugnay sa hindi maayos na trabaho.

Humantong ito sa mainitang pagtatalo hanggang kumuha ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …

Leave a Reply