Thursday , April 18 2024

35 minors, 35 bebot pa nasagip sa human trafficking

NAILIGTAS ng pinagsanib na pwersa ng Anti-Transnational Crime Unit (ACTU) ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Department of Social and Welfare Development (DSWD) ng Pasay City, ang 70 kababaihan, 35 sa kanila ay mga menor de edad, nang salakayin ang isang recruitment agency sa naturang lungsod kamakalawa ng gabi.

Sa report na natanggap ng DSWD, Pasay City, galing sa Midsayap at Cotabato, Mindanao  ang mga kababaihan na nagbabakasakaling makakuha ng trabaho bilang domestic helper (DH) patungong  Saudi Arabia upang makatulong sa kanilang pamilya.

Ayon kay Sr. Supt. John Gano Guyguyon, hepe ng ACTU, hindi  naaayon sa batas ang ginagawa ng Happy World Human Resource and Recruitment Agency, na pag-aari ng isang alias Ash Raf, isang Sudan national, sa mga kababaihan dahil minamaltrato sila.

Kinukuha aniya ang kanilang mga cellphone, inaalis ang ano mang paraan ng komunikasyon upang hindi sila makakontak sa kanilang kaanak, at isang tasang kanin lamang at walang ulam ang ipinakakain sa kanila sa maghapon.

Binaklas aniya ang kanilang pasaporte at pinalitan ang kanilang pangalan at edad upang hindi malaman na sila ay menor de edad.

Batay sa pulisya, ang naturang employer ay sasampahan ng mga kasong illegal recruitment, swindling at human trafficking.

Sa record ng pulisya, paso na ang permit sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng naturang recruitment agency noo pang Pebrero 2013.

Ang mga biktima ay nasa kustodya na ng DSWD-NCR at sasailalim muna sa counseling bago ibalik sa kanilang mga magulang at  tutulungan na makauwi sa kanilang mga probinsya.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *