Monday , August 15 2022

Ama ng parak utas sa trike

HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 77-anyos ama ng isang pulis makaraan mabundol ng lasing na tricycle driver habang nagda-jogging kahapon ng mada-ling-araw sa Rodriguez, Rizal.

Sa ulat na tinanggap ni Supt. Samuel Delorino, hepe ng Rodriguez PNP, kinilala ang biktimang si Onofre Tavas, Sr., ng 128 M.H. del Pilar St., ng nasabing bayan, ama ni Insp. Onofre Tavas, Jr.

Agad nadakip ang suspek na si Rodolfo Felix III y Dacula, 28, ng Phase-2B, Blk-49 Lot-35, Eastwood, Brgy. San Isidro, bayan ng Rodriguez.

Sa imbestigasyon ng pulis-ya, dakong 4 a.m., nagda-jogging ang biktima sa J.P. Rizal Avenue kanto ng Lado St., Brgy. Balite, nang mabundol ng tricycle na minamaneho ng la-sing na suspek.

(ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

Bulacan, kaisa sa paghubog ng mga lider para sa susunod henerasyon

BILANG PAKIKIBAHAGI sa bansa sa obserbasyon ng Linggo ng Kabataan 2022, nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan …

arrest posas

Kumagat sa pain
TULAK TUWING MADALING ARAW TIMBOG SA PARAK

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy …

prison rape

Lolong manyakis naihoyo sa Zambales

NASUKOL ng mga awtoridad ang isang matandang lalaking may kasong panggagahasa sa inilatag na manhunt …

Dalagita nasagip sa cybersex den 3 suspek arestado

NAILIGTAS ng mga awtoridad ang isang babaeng menor de edad mula sa isang cybersex den …

Road Expressway

Para sa mas mabilis na biyahe
CAVITEX C5 LINK FLYOVER EXTENSION BINUKSAN NA 

INIANUNSYO ng Toll Regulatory Board (TRB) ang grantor ng Manila-Cavite Toll Expressway Project (MCTEP) kasama …

Leave a Reply