Friday , December 27 2024

hataw tabloid

Lahar sa Mayon rumagasa

RUMAGASA ang putik, buhangin at bato mula sa paanan ng Bulkang Mayon sa Brgy. Maipon, Guinobatan, Albay Linggo ng madaling araw dahil sa bagsik ng Bagyong Ruby. Tiniyak ni Phivolcs resident volcanologist Ed Laguerta na mababa ang panganib na dala ng naturang lahar na maituturing na malabnaw pa lamang. “Pero ngayon ‘yung malabnaw na lahar na nangyayari d’yan sa Maipon …

Read More »

Katiwalian sa Gat Andres Hospital (Tondo, Manila)

NAKATANGGAP ako ng mahabang text message mula sa nagpapakilalang doktor ng isa sa anim na Manila City government hospitals. Isiniwalat niya ang umano’y kasalukuyang mga nangyayaring katiwalian sa Gat Andres Hospital sa Delpan, Tondo, District 1, Manila. Pakinggan natin ang kanyang mga sinasabi: – Gud am, Sir! I’m one of the doctors here in Gat Andres Hospital. I read ur …

Read More »

Ganda ng katawan ni Jen, pinagnanasaan ni Derek?

“PROUD na proud nga ako na ito ang first pelikula ko na hindi ako naghubad ng T-shirt,” pagmamalaki ni Derek Ramsay sa filmfest entry niya na English Only, Please. Si Jennylyn Mercado ang nabosohan niya ng kaseksihan dahil sa pagsusuot ng bathing suit.Hindi naman na raw nagulat si Derek sa kaseksihan ni Jen dahil alam nito na dedicated ito sa …

Read More »

Blogger na nagsulat ng tampo ni Heart sa GMA, dapat mag-review ng Journalism 101

TAKANG-TAKA ang kampo ni Heart Evangelista kung saan at paano napulot ng isang blogger ang umano’y pag-amin ng TV host-actress na nagtatampo siya sa GMA just because—between her wedding at ang kasal ng isang kapwa Kapuso actress—ay mas pinapaboran ng estasyon ang huli. The blogger named MJ de Leon posted it on his Instagram account, was picked by another social …

Read More »

131 domestic, int’l flights kanselado

UMAABOT na sa 131 domestic at international flights na ang kinansela ng iba’t ibang airline companies dahil sa masamang lagay ng panahon. Ayon sa ulat ng NAIA media center, kabilang sa mga naapektohang byahe ay patungo ng Caticlan, Kalibo, Catarman, Naga, Roxas, Tacloban, Dumaguete, Legazpi at Tagbilaran City. Habang isang flight mula sa Taiwan ang hindi na itinuloy ang biyahe …

Read More »

‘Lubog’ na Kupitan ‘este Kapitan sa MPD

Dapat nang bigyan ng pansin ni MPD district director S/Supt. ROLLY NANA ang mga ‘lubog/timbradong pulis’ Maynila na hindi nagdu-duty sa kanilang assignment. Dumarami na raw kasi ngayon ang pulis na imbes magtrabaho, ang inaatupag pagnenegosyo gamit ang impluwensiya ng patron nila sa Manila City Hall. Gaya na lang ng isang mayabang na Kupitan ‘este’ Kapitan, na sa tulong daw …

Read More »

Ang magigiting na NBI Deputy Director

NAPAKAGANDA ng imahe ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa magandang pamumuno ni Director Virgilio Mendez at kanyang Deputy Directors. Hindi magdadalawang isip na lapitan ang isang ahensiya ng gobyerbo kagaya nito dahil unang-una ang mga nakaupo diyan ay tunay na serbisyo publiko ang ipinapatupad. Nagkakaisa silang lahat sa pagsugpo at paglutas ng krimen kaya lalong dumarami ang …

Read More »

Impormasyon sa AIDS dapat ipalaganap

NAKAAALARMA ang lumalaking bilang ng mga kabataan na tinatamaan ng AIDS virus sa buong bansa. Ayon sa datos ng Department of Health mula sa kabuuang bilang na 21,526 na sinasabing may AIDS, 30 porsyento nito ay mga kabataan na may edad 15-24 anyos. Bukod pa rito lumalabas na 90 porsyento nang mga nagkakasakit nito ay kalala-kihan na nakikipagtalik sa isa’t …

Read More »

Maxene, nagpapasalamat sa pagkakasama sa Dream Dad

EXCITED ang nagbabalik- Kapamilya na si Maxene Magalona at sa kanyang pagbabalik ABS CBN dahil magandang show ang ibinigay sa kanya at ito ay ang Primetime Soap na Dream Dad. Excited ngang mag-work si Maxene dahil matagal-tagal din siyang nabakante sa paggawa ng teleserye simula nang lisanin ang GMA 7. Bukod sa mga Kapamilya artist naman ang makakatrabaho niya. Thankful nga siya sa magandang welcome …

Read More »

Positibong paniniwala dapat sa feng shui remedies

ANG Feng Shui remedies ay very powerful, nasubukan na ang mga teknik sa pagpapabuti sa daloy ng chi sa espasyo at pag-align ng kapaligiran sa adhikain. Ngunit maaari mong pagbutihin pa ang resultang nakukuha sa ano mang Feng Shui remedies sa pamamagitan ng pagdagdag ng iyong sariling positibong paniniwala sa simula pa lamang ng paggamit nito. Kahit na hindi mo …

Read More »

7 patay sa hagupit ni Ruby

UMABOT na sa pito ang bilang ng mga napaulat na namatay habang nananalasa ang bagyong Ruby sa Filipinas. Kabilang dito ang apat katao sa lalawigan ng Iloilo. Sa Brgy. Bayas, sa bayan ng Estancia , kinompirma ni Errol Acosta ang municipal budget officer, ang pagkamatay ni Ernesto Baylon, 65, dahil sa lamig dulot ng bagyo na posibleng nakadagdag sa iniindang …

Read More »

Oposisyon tahimik

KITANG-KITA sa ating mambabatas na kapanalig ng minorya sa Senado man o sa Kamara ang kanilang pananahimik dahil alam nilang hindi basta-basta kalaban ang kanilang makakasagupa saka-ling mag-ingay at pumalag sila sa kasalukuyang administrasyon. Nakita naman natin ang pruweba, tatlong senador ang ipinakulong ng kasalukuyang lide-rato at iyon ay dahil sa pagiging kalaban nila ni PNoy bukod pa na sila …

Read More »

Lolcat, duck face idinagdag sa dictionary

KABILANG ang terminong ‘lolcat,’ ‘duck face’ at ‘mahoosive’ sa 1,000 bagong salita na idinagdag sa Oxford Dictionaries online. Itinatala ng website ang record ng current at modern English words, at madalas na nag-a-update ng mga bago. Kabilang din sa idinagdag ang ‘well jel’, ‘man crush’ at ‘WTAF’ sa pinakamaraming quarterly update sa free online dictionary. Ang ‘lolcat’ ay funny picture …

Read More »

Concert ni Lani Misalucha sa big dome jampacked, diva n ng standing ovation (Detractors pahiya! )

Nang i-announce ang return concert ni Lani Misalucha na La Nightingale sa Smart Araneta Coliseum na ginanap last Saturday sa Big Dome. May ilang detractors si Lani na duda kung mapupuno niya ang Araneta. Iniintriga rin nila ang sales ng ticket ng International Diva at mahina raw ang benta. Hayun sa kane-nega nila kay Lani ay supalpal silang lahat dahil …

Read More »

Nasasarapan sa iba

Sexy Leslie, Bakit po kaya mas masarap makipag-sex sa iba kaysa sa GF ko? 0928-3986267 Sa iyo 0928-3986267, Kung ako ang GF mo may paglalagyan ka! Buti na lang hindi! Anyway, ilang taon na ba kayo, baka naman nagsawa ka na sa kanya kaya ganoon. Pero dapat sa halip na makipag-sex ka sa iba, bakit hindi ka gumawa ng paraan …

Read More »

Ate Vi, pinangunahan ang pagbubukas ng Ala Eh! Festival

AS expected, present na naman si Governor Vilma Santos, umaga pa lang, sa pagsisimula ng kanilang Ala Eh! Festival sa Batangas. Iyan ay sa kabila ng sinasabi sa kanya ng kanilang organizing committee na hindi naman siguro talaga kritikal na proyekto iyon at maaari na siyang mag-skip doon sa mga maaagang appearance dahil kaya na naman nila iyon. Alam naman nila kasi na kagagaling …

Read More »

Malayo pa sa Done Deal

DONE DEAL na nga ba ang ikinakasang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr? Whew!   Sa totoo lang, hilong-hilo na ang lahat ng boxing aficionados sa tunay na estado ng ikinakasang laban. Sa totoo lang, wala pa talagang malinaw na resulta ang pinag-uusapang laban nina Manny at Floyd, pero ang mahalaga, patuloy ang pagpupunyagi ng malalaking tao sa sirkulo ng …

Read More »

8 minasaker sa illegal drugs (Sa Iligan City)

CAGAYAN DE ORO CITY – Walo ang patay sa masaker na hinihinalang droga ang dahilan sa Purok 6, Brgy. Saray, Iligan City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mga pinaslang na sina si Ryan Omilla, Balong Castelo, Tato Gabriel, Pedro Lumayaw, Awil Lumayas, Narciso Lumayag, pawang residente sa nasabing lugar; at dalawa pang mga biktimang hindi pa nakikilala ng pulisya. …

Read More »

Kagawad todas sa tandem

VIGAN CITY – Agad binawian ng buhay ang isang barangay kagawad makaraan pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy. 4, Bantay, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Florentino Rola, 54, ng Brgy. Nagtupacan, San Vicente. Ayon sa imbestigasyon ng Bantay-PNP sa pangunguna ni chief of police, Chief Insp. Greg Guerero, tutungo sana sa Vigan City ang …

Read More »

Golovkin abot-kamay ang Boxer of the Year Award

MALAKAS ang kontensiyon ngayong taon ni Gennady Golovkin para talunin ang mga llamadong sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather para sa presitihiyosong Boxer of the Year Award. Sa pinakahuling on-line voting, kumulekta ng 68.7% votes si Golovkin at ang pinakamalapit sa kanya ay ang boto ni Pacquiao na may 25.3%. Ang iba pang kandidato para sa prestihiyosong award ay sina …

Read More »

Magkapitbahay kapwa sugatan sa saksakan

KAPWA nasa kritikal na kalagayan sa pagamutan ang dalawang lalaking magkapitbahay makaraan magsaksakann kamakalawa ng hapon sa Malabon City. Nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center sina Antonio Duenog, 45, residente ng 127 Sto. Niño St., Brgy. Concepcion, at Ronald Pampula, 26, ng nasabi ring lugar. Batay sa ulat ni PO3 Rommel Habig, dakong 4:30 p.m. nang maganap ang insidente …

Read More »

Robin, gagawa lamang ng pelikulang may katuturan

  SA Wawa, Bataan nabanggit ni Robin Padilla nang nagsu-shooting ito roon ng Andres Bonifacio na matagal na n’yang ambisyong makasama sa Metro Manila Film Festival. Hindi nga lang daw magkaroon ng pagkakataon. Kaya naman hindi na niya pinalampas noong mapasakamay niya ang istoryang Andres Bonifacio. Kuwento ng actor, gusto niyang makasali pero ‘yung isasalin niyang pelikula ay ‘yung maipagmamalaki. …

Read More »

Bonus ng GSIS pensioners matatanggap na

SA Disyembre 10 ay ibibigay na ng Government Service Insurance System (GSIS) sa mga pensioner ang kanilang Christmas bonus sa pamamagitan ng kanilang eCard accounts. Ayon kay GSIS President Robert Vergara, kanilang inilaan para sa naturang benepisyo ang P2.42 bilyon. Mas mataas aniya ito ng 15% kompara sa alokasyon noong nakaraang taon na umabot sa P2.10 bilyon. Ipamamahagi ang cash …

Read More »

Baguio temp bumagsak sa 12°C (Dahil sa bagyong Ruby)

BAGUIO CITY – Bumagsak sa 12.0 degrees Celcius ang temperatura sa Lungsod ng Baguio dahil kay bagyong Ruby. Ayon kay Wilson Lucando, local weather forecaster ng Pagasa sa Baguio, ito ay dahil sa epekto ng hanging amihan na hinihila ng bagyong Ruby na nananalasa ngayon sa Western Visayas. Habang dala ng hanging amihan ang malamig na simoy ng hangin mula …

Read More »