βDi kaguwapuhang look ni Jake, pinagpiyestahan
ni Ambet Nabus
TAMA at bongga para sa amin ang ginawang sagot ni Jake Cuenca sa ilang pumintas at pumuna sa kanyang pisikal na anyo kamakailan.
Mayroon kasing intrimitidang girl na nag-post at sinabing nakita niya ang aktor sa isang pampublikong lugar at sinabing ordinary looking ito at mas guwapo pa umano ang bf niya (wow, sana nag-artista na lang bf niya hahaha!).
Sa ngayon kasi ay sporting with quite a long hair itong si Jake at medyo nga hindi pa niya naibabalik ang dating βbodyβ na talagang ikinalalaway ng marami hahaha!
Kumalat at pinagpiyestahan ng mga opinyon ang naturang βhindi kaguwapuhang lookβ ni Jake, hanggang sa makarating ito sa mismong aktor na sumagot nga ng napaka-positibo.
Sey ni Jake sa post niya, βI am what I am and I am not what I am not..seriously, always feel good about yourself donβt let other people/haters bring you down.β
Winner ang emtoe though may mahalagang mensahe ring ipinararating ang naturang insidente βdi ba mareh?
Na tama lang na maramdamang, βyou are what you are at feel good about yourself,β pero dahil artista ka nga at laging expected sa inyo ang magmukhang artista in terms of looks and appearance (read: glamour and style), natural ding umasa ang paying public na makita ka ng maayos lalo na sa pampublikong lugar.

