Monday , August 15 2022

Arron, kakaririn na ang pagkanta

ni Ambet Nabus

020915 Arron villaflor

NASA Cornerstone na rin si Arron Villaflor.

Nagulat pa kami sa bagong look nito na may bigote at balbas dahil aniya, ”ito ang kontrabida look na gusto ko Kuya Ambet.”

Lagi naming nakakasabay si Arron sa pagpapagupit dahil iisa ang tumatabas ng mga buhok namin at minsan nama’y nakakakuwentuhan namin ito ng bongga sa Faces & Curves, kaya’t lagi siyang may update sa amin.

Para raw kasing dumating na rin siya sa punto ng karir niya na gusto niyang masubukan ang ibang field. Sa Cornerstone raw ay naeenganyo siyang maging singer at ‘yun nga, mag-change image as an actor.

“Maiba naman. Ang feeling ko naman Kuya ay kaya ko,” hirit pa nito sa amin sabay pagsasabing kinakarir na niya ngayon ang pagbu-voice lessons.

At dahil nagpatubo na rin siya ng balbas at bigote, matagal-tagal din daw na panahon niya itong imamantina kaya sey naman ng gumugupit sa amin, ”mahirap-hirap na trabaho iyan.”

 

About hataw tabloid

Check Also

Arrah Garcia

Arrah Garcia, type maging kontrabida sa pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG newbie actress na si Arrah Garcia ay kabilang sa …

Arnel Ignacio malacanan

Arnell itinalagang OWWA Administrator, pag-aartista ‘di iiwan

MA at PAni Rommel Placente BONGGA si Arnell Ignacio dahil may posisyon na ulit siya sa gobyerno, …

Valerie Concepcion Family

Anak ni Valerie 17 taon nang ‘di nakikita ang tunay na tatay

MA at PAni Rommel Placente WALANG problema at okey lang kay Valerie Concepcion kahit LDR (long distrance …

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Leave a Reply