083014 deadPATAY ang isang 27-anyos babae makaraan pasukin at pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Agad nalagutan ng hininga ang biktimang si Diana Rose Lapiza, ng 50 Packweld Village, Brgy. Marulas ng nasabing lungsod.

Isang alyas Bob at sinasabing tulak ng droga sa lugar ang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad na mabilis na tumakas makaraan isagawa ang krimen.

Nabatid sa ulat ng pulisya, dakong 4 p.m. nasa loob ng kanyang bahay ng biktima sa 3064 Abalos Bukid, Brgy. Gen. T. de Leon ng nasabing lungsod, nang biglang pasukin ng suspek saka binaril siya sa mukha.

Sinasabing napagkamalan na asset ng pulisya ang biktima na nakasasagabal sa operasyon ng ilegal na droga sa lugar kaya itinumba.

Rommel Sales