This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 20-anyos estudyante makaraan bugbugin at saksakin ng magkapatid at isa pang lalaki dahil sa selos sa ka-table na babae sa Malabon City kamakalawa ng gabi.
Ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si John Patrick Sy, ng 2 Dela Cruz, St., Brgy. Tinajeros, Malabon City.
Agad naaresto ang magkapatid na suspek kinilalang sina Dennis, 36, at Adonis Moris, 34, kapwa obrero at residente ng Sisa St., Brgy. Acacia ng nasabing lungsod, habang tinutugis ang isa pa nilang kasama na mabilis na nakatakas makaraan ang insidente.
Batay sa ulat ni PO3 Jun Belbes, dakong 11 p.m. nang maganap ang insidente sa isang KTV Bar sa 2nd Gloor ng Acacia Market sa Ibarra St., Brgy. Acacia ng lungsod.
Umiinom ang biktima, kasama ang isang kaibigan habang umiinom din ang mga suspek sa katabing mesa.
Ngunit habang pauwi na ang biktima ay sinundan siya ng mga suspek saka pinagtulungan bugbugin at saksakin na nahagip sa dibdib.