Friday , March 24 2023

Epileptic tigok sa atake habang ‘high’ sa solvent

082814 poison lason deadNANGISAY ang isang epileptic makaraan tumama ang ulo sa bumper ng isang sasakyan nang atakehin ng kanyang sakit habang sumisinghot ng solvent kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang hindi pa nakikilalang biktima ay tinatayang 25 hanggang 30-anyos, 5’3 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng T-shirt na puti at walang sa-pin sa paa.

Ayon kay SPO3 Glenzor Vallejo, dakong 9 p.m. nang maganap ang insidente sa Morga St. kanto ng Sta. Maria St., Tondo, Maynila.

Sa salaysay ng saksing si Daniel Ignacio, 30, scavenger ng 1360 Madrid Street, Tondo, habang sumisinghot ng solvent ang biktima nang biglang inatake kaya natumba ngunit tumama ang ulo sa bumper ng isang nakaparadang sasakyan sa lugar. Agad siyang humingi ng saklolo para isugod sa pagamutan ang biktimang nangingisay ngunit hindi na umabot nang buhay sa Mary Jhonston Hospital.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …

Leave a Reply