Saturday , August 13 2022

Kabataan inaanyayahan sa araw ng Balagtas 2015

araw ng balagtasTINATAWAGAN ang mga kabataan na aktibong makilahok sa Araw ni Balagtas 2015. Ito ay pagdiriwang ng ika-227 anibersaryo ng kaarawan ng bayaning makata na si Francisco “Balagtas” Baltazar sa Abril 2, 2015 na may temang “Si Balagtas at ang Kabataan.”

Pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang mga aktibidad na mangyayari sa pook na malapít sa puso ni Balagtas, ang bayan ng Orion (noon ay Udyong), Bataan. Magkakaroon ng Kampo Balagtas mula 30—31 Marso 2015 para sa mga kabataan mulang Rehiyon III at delegasyon mula sa Indigenous People (IP) sa Orion Elementary School.

Isasagawa sa Kampo Balagtas ang mga pangkulturang pagtatanghal at makabuluhang pagpapakilala sa búhay at pamana ni Balagtas sa pamamagitan ng mga interaktibong panayam at palaro.

Kikilalanin ang mga nagwagi sa Talaang Ginto: Makata ng Taon 2015 at ang tatanggap ng Gawad Dangal ni Balagtas 2015 sa unang araw ng kampo.

Papasinayaan din ang Hardin ni Balagtas sa Barangay Wawa, Orion, Bataan sa 30 Marso 2015. Tampok sa hardin ang rebulto ni Balagtas na likha ng bantog na eskultor na si Julie Lluch.

Ang hardin, na paliligiran ng mga katutubong bulaklak at punongkahoy, ay isang cultural park na itinatayo sa tulong ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, Bayan ng Orion, Lalawigan ng Bataan, at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa 736-2519 at hanapin si John Enrico C. Torralba ng Sangay ng Edukasyon at Networking, o bisitahin ang kwf.gov.ph.

About hataw tabloid

Check Also

marijuana

2 drug suspects timbog sa P180-K Marijuana

NASAMSAM ng pulisya ang halos P.2-milyong halaga ng ilegal na droga sa dalawang drug suspects, …

Cara y Cruz

2 Laborer arestado sa Cara y Cruz, baril

SWAK sa kulungan ang dalawang laborer matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal gambling operation at makuhaan …

CoVid-19 vaccine

Amyenda sa Covid-19 sa Vaccination Program Act of 2021 hiniling sa Senado

HINILING ni Department of Health (DOH) Officer-In- Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Kongreso (MMataas …

Robin Padilla 2

Scholarship, Health Services para sa mga magsasaka isinulong sa Rice Tariffication Act

ISINUSULONG ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang scholarship at health services para sa mga magsasakang …

Sonny Angara Money Senate

PPP sa LGUs suportado ni Angara

SUPORTADO ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa …

Leave a Reply