Glass wall ng casino bumagsak, 3 sugatan

RWMTATLO katao ang sugatan nang mabagsakan ng glass wall habang naglalaro sa isang casino sa hotel sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Ginamot sa Saint Luke’s Medical Center, Bonifacio Global City, Taguig City ang mga biktimang sina Magdalena Edrina, 70, ng 115 Gladness St., Annex 1618, Betterliving Subd., Parañaque City, at Hilda Doria, 38, ng UP Diliman, Quezon City, habang ang ikatlong biktima na si Elizabeth Peñaranda, 63, ng 109 Bernabe St., Better Living, Paranaque City ay nakaramdam lamang ng pagkahilo.

Sa ulat nina SPO1s Rodolfo Suquina, Jr., at Dennis Desalita, naganap ang insidente dakong 12:03 a.m. sa ikalawang palapag ng Resorts World Casino, Resort World Hotel, sa Villamor, Brgy. 183, Pasay City.

Habang naglalaro ng slot machine ang mga biktima, aksidenteng bumagsak ang glass wall ng naturang casino at tinamaan sila.

Jaja Garcia