Friday , December 19 2025

hataw tabloid

Pag-usbong ng korupsiyon ikinabahala… Kabataan sa Kyusi nangamba sa mahahalal na maling kandidato

QC quezon city

IKINABAHALA ng gru­po ng kabataan na posible umanong umusbong ang korupsiyon sa lungsod ng Quezon kung maihahalal ang maling kandidato sa pagka-alkalde na ang tanging  alam ay mag­wal­das ng pera ng bayan para lamang sa mga patay at walang matibay na programa para sa mamamayan ng lungsod. Ito ang inihayag kahapon ng grupong Unified Youth for Social Change-Akting Kabataan Alyansa …

Read More »

Pamilya Duterte, Aquinos hindi magkaaway — Kris

HINDI magkaaway ang mga pamilya Duterte at Aquino. Ito ang iginiit ng aktres at TV host na si Kris Aquino, na nagsabi na handang makipag­tulungan ang pinsan na si reelectionist Sen. Bam Aquino sa pamahalaan basta’t para sa kapaka­nan at kabutihan ng pamil­yang Filipino. Sa panayam ng media, sinabi ni Kris na naniniwala siyang may ilang tao na gumagawa lang …

Read More »

Enrile: ‘Rule of force’ nananaig sa West Philippine Sea

SA GITNA ng naval parade sa Qingdao ngayong linggo na tinatayang pinakamalaking eksibisyon ng China upang ipakita ang kakayahang pandagat, ipinaalala ni dating Defense Minister at kandidato para sa Senado na si Juan Ponce Enrile na ang nananaig na batas sa West Philippine Sea ay pamamahala base sa puwersa. Ani Enrile, naghahangad ng ikalimang termino sa Senado sa darating na …

Read More »

Chinese visa issuance ipinatitigil ni Mar Roxas

NANAWAGAN si dating Senador Mar Roxas sa gobyerno na suspendihin ang automatic visa sa mga Chinese dahil naaagawan na ng trabaho ang mga Filipino. “Para sa akin, ‘yang automatic visa granting, itigil na ‘yan dahil inaagaw ng mga dayuhang Chinese ang mga trabaho dito sa Filipinas. Hirap na nga ang mga Filipino na makahanap ng trabaho. Hirap na tayo na …

Read More »

DFA nagsara sa Metro at rehiyon

DAHIL sa nangyaring pag­ya­nig ng magnitude 6.1 tectonic earthquake sa Luzon at para maiwasan ang sakuna, isinara ng Depart­ment of Foreign Affairs (DFA) ang ilan ni­lang Consular offices sa Metro Manila at sa ilang rehi­yon kahapon. Kabilangsa isinara ang Aseana, Alabang Town Center, SM Manila, Robin­sons Galleria, SM Megamall, Ali Mall at Robinsons Nova­liches sa Metro Manila. Habang sa Consular Regional Offices, …

Read More »

Matibay, ligtas na pabahay seguruhin — PBB Party-list

IPINASISIGURO ng Partido ng Bayan ang Bida (PBB) Party-list na matibay ang konstruksiyon ng mga govern­ment housing unit kasunod ng 6.1 magnitude na lindol na yumanig sa Metro Manila at Central Luzon kamakalawa. Sinabi ni PBB Party-list 1st nominee Atty. Imelda Cruz, mahalagang masiguro na ligtas at matibay ang mga pabahay ng gobyerno ga­yon­din ang iba’t ibang estruktura kasunod ng …

Read More »

Senior Citizens segurado kay Lim

TINIYAK kahapon ng nag­babalik na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim na kanyang dadagdagan lahat ng benepisyo na tinatang­gap ng senior citizens sa lung­sod at bibigyan din ng trabaho o pagkakakitaan, sa oras na siya ay muling mau­po bilang mayor ng lungsod. Sa isang pulong, kasa­ma ang senior citizens mula sa District 6, tiniyak ni Lim, pati ng kanyang kandidato …

Read More »

Paa ipinaputol ng saleslady para makaligtas (Sa gumuhong Chuzon Supermarket)

PINILI ng isang 25-anyos babae na ipaputol ang kani­yang paa upang makaligtas mula sa pagkakaipit sa gumuhong Chuzon Super­market sa bayan ng Lubao sa lalawigan ng Pampanga sanhi ng magnitude 6.1 lindol kamakalawa, Lunes, 22 Abril. Tatlong oras nakulong sa loob ng gusali ng Chuzon Supermarket si Maria Martin, kung saan siya ay dalawang taon nang nagtatrabaho bilang tindera ng …

Read More »

6.5 lindol yumanig sa Visayas

lindol earthquake phivolcs

HINDI pa man nakababa­ngon sa pinsalang dulot ng magnitude 6.1 lindol ang Luzon, sumunod na niyanig ng magnitude 6.5 lindol ang Visayas na naitalang nasa San Julian, Eastern Samar ang epicenter at may tectonic origin kahapon, 23 Abril. Naramdaman ang Intensity 5 lindol sa Tacloban City, Catbalogan City, at Samar; samantala Intensity 4 ang naramdaman sa Masbate City, Legazpi City …

Read More »

MKP duda sa pangakong brownout-free elections ng DOE

electricity brown out energy

IPINAHAYAG ng Murang Kuryente Partylist (MKP) ang kanilang pagdududa sa kakayahan ng Department of Energy (DOE) na maseguro na hindi mawawala ang suplay ng koryente sa panahon ng senatorial at local elections sa 13 Mayo. Sa isang pulong balitaan kamakailan, ipinadama ng tatlong nominee ng MKP ang kanilang pagkadesmaya sa lumilitaw na kahinaan ng DOE na mapagtibay ang generation companies …

Read More »

ARAL prayoridad ng Ang Probinsyano Party-list 

PRAYORIDAD ng Ang Probinsyano Party-List ang pagsusulong ng programang Access Roads to all Learners (ARAL) sa pakikipag-ugnayan sa DPWH. “Ang edukasyon ay malaking bahagi ng pag-aangat ng antas ng pamumuhay ng mga nangangailangan nating mga kababayan sa probinsya kaya’t ito ay isa sa mga focus areas ng Ang Probinsyano Party-List,” ayon kay APPL nominee at youth advocate na si Alfred Delos Santos. …

Read More »

Grace Poe, sure na No. 1 senatoriable

MALAKI ang paniniwala ng mga eksperto sa politika na hindi na matitibag at sigurado nang magiging No. 1 sa nalalapit na May 13 elections si Senadora Grace Poe. Ayon kay STORM political strategist Perry Callanta, malaking bagay ang “FPJ Magic” kaya mabango sa mga botante si Sen. Poe bilang No. 1 senatoriable. “Walang makatitibag kay Sen. Grace Poe bilang No. …

Read More »

Kandidatong ‘di corrupt, pamantayan sa halalan — Koko Pimentel

NANINIWALA si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa resulta ng isang survey na 25 porsiyento ng mga tinanong ang may gusto sa isang kandidato na hindi corrupt at ito ang pina­kaimportanteng katangian ng isang halal na opisyal. “Ang mga senti­myen­tong iyan ay produkto ng mahaba at masamang experience natin sa korupsiyon sa gobyerno. Most of our people have the sense …

Read More »

Chet Cuneta, sinuportahan ni Robin Padilla

DINUMOG ng mga taga- Pasay ang proclamation rally ng tumatakbong mayor ng Pasay, ang Kuya ni Sharon Cuneta, si Chet Cuneta. Kasabay nito ang paghahayag ng suporta ni Robin Padilla kay Chet. Ibinigay ni Robin ang suporta kay Chet dahil malaki ang paniwala niyang malaki ang magagawa nito para sa mga taga-Pasay. Ang pagdalo ng sangkatutak na tao sa proclamation rally ay patunay na gusto …

Read More »

Grace Poe, topnotcher sa lahat ng survey

KUNG pagbabatayan ang resulta ng lahat ng survey, pinakahuli ang isinagawang nationwide survey ng grupong Magdalo na inilabas ni Senador Antonio Trillanes IV kamakailan, tiyak nang mangunguna si Senadora Grace Poe sa mga kandidatong senador sa midterm elections sa 13 Mayo 2019. Laging nangingibabaw  ang pangalan ni Poe bilang top choice for senator sa survey ng Pulse Asia, Social Weather Station, …

Read More »

Easter Sunday sa Sri Lanka binulabog ng 8 pagsabog

NABULABOG ang buong mundo ng walong kahindik-hindik na mga pagsabog sa bansang Sri Lanka na kumitil sa buhay ng hindi bababa sa 160 katao kabilang ang ilang dosenang banyaga, at puminsala ng mga high-end na hotel at mga simbahang nagdaraos ng misa bilang pagdiriwang sa Linggo ng Pagkabuhay. Mariing kinondena ni Prime Minister Ranil Wick­remesinghe ang mga pag-atake na itinuturing …

Read More »

Kahit binabanatan ng Pangulo Mar Roxas, pokus pa rin

POKUS lang si Mar Roxas sa pagsusulong ng mga programang mag-aangat ng kabuhayan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga panukalang batas na isusulong niya sa pagbabalik sa senado. Si Roxas na ibinotong number one at nakakuha ng highest votes sa kasaysayan ng senado noong 2004, ay nangakong hindi masisiraan ng loob sa mga ipinaglalaban niyang katatagan ng kabuhayan ng …

Read More »

Ang Probinsyano Party-List tutol sa ban vs provincial buses sa EDSA

TINUTULAN ng Ang Probinsyano Party­-List ang plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipagbawal ang mga terminal ng mga provincial bus sa kahabaan ng EDSA. Papahirapan ng naturang plano ang pro­binsyanong commuters samantala wala naman itong maiaambag upang maibsan ang mala-delubyong kalagayan ng trapiko sa EDSA, ayon sa Ang Probinsyano Partylist. Binigyang-diin ng Ang Probinsyano  na maliit na bahagi lamang o apat …

Read More »

P1-B pork ni Bingbong hinahanap ng Kampil

HINAMON ng Kalipu­nan ng Masang Pilipino-QC chapter si 1st district Congressman Bingbong Crisologo na ilantad sa publiko kung saan napunta ang halos P1 bilyong pork barrel nito magmula nang maging mambabatas. Ayon kay Ariel Casing, QC Kampil vice chairman, puro arkong bato lamang na may higanteng pangalan ni Crisologo ang nakikita ng publiko sa kanyang distrito. Bukod dito, may waiting …

Read More »

‘Chairman’ nambuntis ng info officer (Termino hindi matatapos)

“PAGSISIKAPAN ko, your honor, na hindi ako matulad sa kanila, na hindi ko matapos ang termino ko.” Ito ang pahayag ng isang mataas na opisyal ng isang ahensiya mata­pos manumpa sa Com­mission on Appoint­ments (CA) sa pagkakatalaga sa kaniya bilang pinaka­batang chairman ng isang maimpluwensyang ahensiya ng gobyerno. Pero tulad ng mga sinundan at pinalitan niyag opisyal sa nasabing ahensiya, …

Read More »

Ang Probinsyano Party-List suportado ni Ryza Cenon… Trabaho sa Bicol sagot ng AP-PL

SAGOT ng Ang Probinsyano Party-List ang hanapbuhay ng mga taga-Bicol sa oras na maupo sa House of Representatives. Ito ang paniniguro ng sikat na aktres na si Ryza Cenon nang magtungo sa Bicol kamakailan upang ikampanya ang Ang Probinsyano Party-List, ang patuloy na lumalakas na kandidato sa kamara dahil sa tapat nitong mga programa na nagsu­sulong ng kapakanan ng mga …

Read More »

Capital, educational assistance palalawakin ni Erap

PALALAWAKIN ni Manila Mayor Joseph Estrada ang  capital assistance program (CAP) upang maiahon ang pamumuhay ng mahihirap na Manileño sa kanyang huling termino. Layon ni Estrada na makapagbigay ng maliit na negosyo sa mahihirap na pamilya upang umangat sa buhay na magiging indikasyon din ng pag-unlad ng lungsod. Ani Estrada, binibigyan ng pagkakataon ang small entrepreneurs na palaguin ang kanilang negosyo. Sinimulan ni …

Read More »

Krisis sa enerhiya ‘wag gamitin ng Meralco — Bayan Muna

electricity meralco

HINDI dapat gamitin ng Manila Electric Company (Meralco) ang krisis sa enerhiya o ang yellow power alerts para maisu­long ang pitong kahina-hinalang  Power Supply Agreement (PSA) o ang tinaguriang ‘Midnight Deals’ na magiging dahilan sa pagtataas ng singil sa koryente. Ito ang inihayag ni Bayan Muna Chairman Ma­ka­bayan senatorial candi­date Neri Colmenares at Bayan Muna Repre­sentative Carlos Isagani laban sa …

Read More »

Koko desmayado sa pagkaantala ng Automated Poll System Certification

HINDI nailihim ang pagkadesmaya ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa Technical Evaluation Committee (TEC), ang ahensiyang nilikha sa bisa ng Automated Election Law, dahil hindi pa rin nito napagtitibay ang automated election system (AES) na gagamitin sa nalalapit na national at local polls samantala halos isang buwan o 30 araw na lang ang nalalabi bago sumapit ang May 13 …

Read More »