Friday , July 26 2024
congress kamara

Velasco absenero (Hindi tatak ng magaling na lider)

DEDIKASYON ng mga kandidato sa pamamagitan ng pagsilip sa kanilang attendance bilang mambabatas sa Kamara, ang suhestiyon ng isang political analyst na dapat silipin, sa gitna ng mainit na diskusyon kung sino ang dapat na hiranging House Speaker.

Ayon kay University of the Philippines profes­sor at political analyst Ranjit Rye, dapat tingnan ang work ethics ng isang magiging House Speaker dahil dito pa lamang ay makikita kung magta­tagumpay ang 18th Congress.

Para kay Rye, may makikita na agad sa perso­nalidad ng isang potensiyal na lider sa pagsilip pa lamang sa kanyang attendance sa Kamara.

“Huwag na muna natin tingnan ‘yung dami ng batas na ipinanukala, tingnan muna ‘yung attendance, kasi kung pala-absent, sigurado bagsak din sa perfor­mance,” pahayag ni Rye.

Absenteeism ang isa sa ipinupukol na isyu laban kay neophyte Speakership candidate Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Puna umano ng ilang mambabatas, palagiang wala sa session si Velasco.

Anila, tila bata pa ay maihahalintulad na sa mga traditional politician (trapo).

Ang sesyon ng Kama­ra ay mula Lunes hang­gang Miyerkoles na nag­sisimula dakong 3:00 pm.

Inamin ni Rye, sa kanyang pagkakaaalam laging wala sa sesyon si Velasco na kinompirma rin ng isang mambabatas na tumangging magpa­banggit ng pangalan.

Aniya, isa umano sa dahilan kung bakit hindi pamilyar sa ilang mam­babatas si Velasco ay dahil hindi siya madalas na nakikita sa Plenary Hall.

Sa 16th Congress attendance na nakapaskil sa website ng Kamara, dala­wa lamang ang atten­dance ni Velasco sa Third Session ng 16th Congress.

Bagamat hindi pa ipinalalabas ang official attendance para sa 17th Congress, ilang insider ang nagsabi na halos kalahati ng kabuuang sesyon ay hindi pumasok si Velasco.

Matatandaan, si Ve­las­co ang matapang na nagmungkahi kay Pangu­long Rodrigo Duterte ng term sharing nila ni Taguig Rep. Allan Peter Cayetano ngunit nang maaproba­han ay umatras ang u­nang mambabatas dahil nais niyang mauna siya sa term sharing.

Itinuturing ng ilang political analyst na ito ay pagpapakita ng pagsu­way at pagmamalaki ni Velasco kay Pangulong Duterte.

Pinuna ng ilang mam­babatas ang pagiging “overconfident” ni Velas­co na masusungkit ang House Speakership dahil sa koneksiyon niya sa First Family at isang business tycoon.

Bukod kina Velasco at Cayetano ilan sa kandi­dato sa Speakership sina dating House Speaker Pantaleon Alvarez, Leyte Rep Martin Romualdez at Pampanga Rep Dong Gonzales.

HATAW News Team

 

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *