Thursday , July 7 2022

VP Leni kasangga ng mangingisdang Pinoy vs China

SAN JOSE, OCCIDEN­TAL MINDORO — Sa gitna ng pangmamaliit ng administrasyong Duterte sa pagbangga ng isang Chinese vessel sa kanilang bangka, nakahanap ng kasangga ang mga ma­ngingisdang Filipino kay Vice President Leni Robredo.

Sa kaniyang pagda­law sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro, nitong Biyernes, 21 Hun­yo, nakausap ni Robredo ang mga mangingisdang lulan ng F/B Gem-Ver, na lumubog kamakailan sa Recto Bank, isang bahagi ng West Philippine Sea.

Bagamat sa una ay halata ang pagod at tila pag-aalinlangan ng mga mangingisda, kalaunan ay gumaan rin ang ka­nilang loob sa Bise Pre­sidente, na kinuwentohan nila tungkol sa kanilang pinagdaanan: mula sa paglubog ng bangka nila dahil sa pagbangga, at pang-iiwan ng crew ng Chinese vessel na nag­dulot ng pinsala, hang­gang sa paghingi ng tulong sa isang Viet­namese vessel na malapit sa pinangyarihan ng insi­dente.

Sunod sa layon ng kaniyang pagbisita, ipi­naabot ni Robredo sa mga mangingisda ang kaniyang pakikiisa.

Aniya, handa ang ka­niyang opisina na tulu­ngan sila at ang pamil­yang may-ari ng bangka sa kanilang muling pag­bangon, lalo pa’t ang bangkang nasira ang inaasahan nilang lahat para sa kanilang kabu­hayan.

Sa kabila ng mabigat na pinagdaraanan, tila mas nakapalagayan ng loob ng mga mangingisda si Robredo, na nauna nang nagsabi na dapat pana­gutin ang crew ng Chinese vessel na bumangga sa bangka ng mga Filipino.

Marami ang naka­pansin na malaki ang pagkakaiba ng pakiki­tungo ng Bise Presidente sa mga mangingisda kompara sa pagharap sa kanila ng mga miyembro ng administrasyong Du­ter­te, tulad nina Agri­culture Secretary Manny Piñol at Energy Secretary Alfonso Cusi.

Matatandaang sinabi ni Cusi, ‘daplis’ lang ang sinapit ng bangka ng mga Filipino, habang idiniin naman ni Piñol na aksi­dente lang ang nangyari at mismong si Pangulong Duterte ay itinuturing na ito ay ‘maliit’ lamang na maritime incident.

Bukod sa dialogo sa mga mangingisda, binisi­ta rin ni Robredo ang bahay ng kapitan ng bang­ka na si Junel In­signe, na malugod siyang sinalubong ng asawa nitong si Lanie at ng kanilang mga anak.

Dala ng Bise Pre­sidente ang tulong pinan­siyal na P50,000 para sa bawat mangingisda, na bigay ng isa sa mga partners ng kaniyang opisina sa ilalim ng Angat Buhay program.

About hataw tabloid

Check Also

Ops kontra sugal ikinasa 6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA Boy Palatino

Ops kontra sugal ikinasa
6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA

NASUKOL ng mga awtoridad ang anim na indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa murder
LIDER NG GUN-FOR-HIRE GROUP ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong murder at sinasabing lider ng …

dead gun

Convenience store nilooban
KAWATAN BULAGTA SA ENKUWENTRO, KASABWAT NAKAPUSLIT

NAPATAY ng mg aawtoridad matapos manlaban ang isang armadong lalaking pinaniniwalaang nanloob sa isang convenience …

marijuana

Nagkakalat ng marijuana sa Bulacan
TULAK AT RUNNER NA MENOR DE EDAD, TIKLO SA DRUG STING 

NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang personalidad na pinaniniwalaang tulak ng marijuana kabilang ang isang …

dead gun police

Sa Jaen, Nueva Ecija
CARETAKER NIRATRAT NG RIDING-IN-TANDEM 

PATAY ang isang caretaker nang barilin ng dalawang armadong lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa bayan …

Leave a Reply