Tuesday , July 5 2022

Gov. Daniel Fernando, mataas ang respeto sa mga manunulat

MASAYA si Bulacan Governor Daniel Fernando, dahil sa kabila ng  kaabalahan niya sa politika, na dahilan din kaya nalilimitahan ang  paggawa niya ng pelikula at teleserye, hindi pa rin siya nalili­mutan ng mga manunulat sa showbiz.

Katunayan, siya ang nanalong Darling of the Press sa katatapos na 35th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club.

Sa pag-alaala ni Gov. Daniel, noong magsimula siyang mag-artista ay aware na siya sa mahalagang nagagawa ng mga entertainment writer sa mga artistang katulad niya.  Kaya para sa kanya, hindi rin naging mahirap na pakisamahan ang mga beterano at mga baguhang manunulat na nakakasalamuha niya noon hanggang ngayon sa showbiz.

“Iyon talaga ang para sa akin. Na kapag sinabing press people, mataas ang respeto ko sa kanila dahil sa pagsuporta nila sa aming mga artista na nagagawa ng mga isinusulat nila tungkol sa amin kapag mayroon kaming mga pelikula o balitang kailangan para kami ay makilala. Malaking tulong ang mga balita nila para sa mga baguhang artista halimbawa, ‘tulad ng naranasan ko noong nagsisimula pa ang movie career ko. Masaya ako na marami akong naging kaibigan sa kanila na hanggang ngayon ay nariyan pa rin at sumusuporta sa akin,” wika pa ng mahusay na aktor. (Melchor Bautista)

About hataw tabloid

Check Also

AJ Raval

AJ ‘di buntis, flat tummy ipinagmalaki

MA at PAni Rommel Placente IBINANDERA ng sexy star na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture …

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Cristy Fermin Toni Gonzaga

Cristy ipinagtanggol si Toni Lupang Hinirang maayos na nakanta

MATABILni John Fontanilla DINEPENSAHAN  ni Cristy Fermin si Toni Gonzaga sa mga taong nanlalait kaugnay sa pag-awit nito ng Lupang …

Jake Zyrus Charice Pempenco

Jake Zyrus deadma sa ina sa kanyang Transman Journey

MATABILni John Fontanilla PALAISIPAN sa mga netizen ang hindi pagkakabanggit ni Jake Zyrus sa kanyang ina sa …

Geneva Cruz

Geneva sa tumawag ng trying hard— It’s a reflection of how bad you feel about yourself

MA at PAni Rommel Placente PINATULAN ni Geneva Cruz ang isang netizen na tumawag sa kanya ng …

Leave a Reply