Wednesday , July 6 2022

Isko, nakiisa sa 448th Araw ng Maynila

NAGPAHAYAG ng pakikiisa at pagbati si incoming Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pagdiriwang ng ika-448 anibersaryo ng pagkakatatag ng kapitolyo ng bansang Filipinas, ang Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Domagoso, alalahanin natin ang mga hamon na buong tapang na hinarap at napag­tagumpayan ng mga nakaraang henerasyon ng mga Manileño.

Pinangunahan ni Manila City Administrator Atty. Ericson JoJo Alcovendas, City of Manila Tourism Atty. Solfia Arboladura at iba pang city head officials ng Maynila ang pag-aalay ng bulaklak sa puntod ni Governador Miguel Lopez De Legaspi, conquistador mula sa bansang Es­pan­ya na nagsimula ng kalakalan at ng pagsakop sa Maynila noong 1572, na nakalagak sa loob ng simbahan ng San Agustin sa Intramuros ang labi.

Sinabi ni Isko, hindi man naging madali ang bawat pagsubok ng panahon ngunit patuloy pa rin ang mga Manileño sa kanilang pagsusumikap at paglaban para sa magandang kinabukasan ng salinlahi.

Aniya, itinuring din bilang hudyat ng bagong pag-asa tungo sa pagkakamit ng mga pangarap ang bawat pagsikat ng araw, ang mga taon na nagdaan, at ang bawat panibagong simula.

Dagdag ni Isko, “sa kabila ng mga panibagong hamon, mahalaga na magkaisa tayo tungo sa tuloy-tuloy na pag-asenso ng bawat Manileño.’

About hataw tabloid

Check Also

Rachel Villanueva

Rachel ng Viva Hotbabes matagumpay na negosyante 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANG-MMK o Magpakailanman ang istorya ng buhay ng dating Viva Hotbabes na si Rachel Villanueva na ngayon …

Piolo Pascual Sunlife

Piolo nahanap na ang partner in life, ‘di iiwan ang showbiz

HINDI pa iiwan o magreretiro si Piolo Pascual sa showbiz. At matagal pa rin bago siya makahanap …

Krystall Herbal Eye Drops

Paningin luminaw sa Krystall Eye Drops, eyebags lumiit sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si Maria Felicitas Dueñas, 45 years old, naninirahan …

Rhea Tan Beautederm

Local ambassadors sa Pampanga proud maging bahagi ng Beautederm family

ni Glen P. Sibonga KASABAY ni JC Santos at ng misis niyang si Shyleena Herrera na inilunsad bilang ambassadors …

JC Santos Beautéderm BeautéHaus Rhea Tan Shyleena Herrera

Kahit lalaki dapat nag-aayos ng sarili — JC Santos

MATABILni John Fontanilla PORMAL nang ipinakilala  ng Beautederm ang mahusay na dramatic actor na si JC Santos bilang opisyal …

Leave a Reply