NASAKOTE ng mga awtoridad ang apat na hinihinalang tulak sa ikinasang buy bust operations sa mga lungsod ng Mandaluyong at Marikina, nitong Martes, 2 Nobyembre. Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Leandro Yu, 47 anyos; Arjay Caparal; Arthur Batulan, 28 anyos; at Mario Mallari, 41 anyos. Unang naaresto sina Caparal, Mallari, at Batulan dakong 5:40 pm nitong Martes, …
Read More »
Sa Marikina
BEBOT, 3 KELOT ARESTADO, 149K DROGA KOMPISKADO
ARESTADO ang apat katao nang masamsaman ng 22 gramo ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng pulisya sa Brgy. Concepcion Uno, sa lungsod ng Marikina, nitong Linggo, 31 Oktubre. Kinilala ang mga nadakip na sina Jonny Yap, 50 anyos; Nicodemus Eugenio; John Resoso, 22 anyos; at Rose Mary Ann Inamac, alyas Nene, 32 anyos, pawang residente sa Bantayog …
Read More »Taytay LGU wagi sa pandemic response
DINAIG ng Garments Capital of the Philippines ang 1,497 munisipalidad sa pagpapatupad ng pandemic response, batay sa resultang inilabas ng Department of Interior and Local Government (DILG). Sa pinag-isang kalatas na inilabas ng DILG, Department of Information and Communications Technology (DICT), at National ICT Confederation of the Philippines (NICP), iginawad sa nasabing munisipalidad ang parangal bilang “Best on CoVid-19 Pandemic Response” …
Read More »
LLEGAL QUARRYING TULOY PA RIN
Raid sa Montalban, moro-moro
BINATIKOS ng netizens at sinabing moro-moro ang isinagawang raid ng mga awtoridad sa ilegal na quarrying site sa Brgy. San Isidro, sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal. Nabatid na naunang nasamsam ng mga operatiba ang mga heavy equipment at produktong mineral na aabot sa P36.4 milyon habang nadakip ang 12 trabahador ng ilegal na quarry operation. Sa ulat, …
Read More »Top 1 MWP ng Pasig, arestado sa CamSur
NADAKIP ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) sa lalawigan ng Camarines Sur ang isang 54-anyos lalaking itinuturing na Top 1 most wanted person (MWP) may nakasampang kasong Parricide. Kinilala ni P/BGen. Matthew Baccay, EPD director, ang naarestong suspek na si Alfonso Sto. Domingo, residente sa Katarungan St., Brgy. Caniogan, sa lungsod ng Pasig. Nabatid na dakong 1:00 pm …
Read More »6 suspek dedo sa enkuwentro (Gasolinahan tangkang holdapin)
PATAY ang anim na hinihinalang mga kawatan at pawang mga miyembro ng carnapping gang Nang tangaking pagnakawan ang isang gasolinahan at makipagbarilan sa mga awtoridad nitong Huwebes ng Miyerkules madaling araw, 14 Oktubre, sa Marcos Highway, Sitio Boso-Boso, Brgy. San Jose, Antipolo City, sa lalawigan ng Rizal. Nabatid na dakong 1:30 am kahapon nang tangkaing holdapin ng mga suspek, armado …
Read More »2 tulak, arestado sa Manda
NADAKIP ang dalawang hinihinalang tulak sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad, sa lungsod ng Mandaluyong, nitong Miyerkoles, 6 Oktubre. Kinilala ng pulisya ang dalawang arestadong suspek na sina Rommel Paglinawan, 48 anyos; at Fatima Gorospe, 32 anyos, kapwa mga residente sa Brgy. Poblacion, sa lungsod. Nabatid na dakong 11:20 pm, kamakalawa, nang nagkasundo ang police poseur buyer at mga …
Read More »Rizal, top 3 sa Covid-19 — DOH
IKATLO ang lalawigan ng Rizal sa pinakamaraming bagong kaso ng CoVid-19 batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) sa isinagawang virtual media briefing noong Linggo, 3 Oktubre. Ayon sa pagsusuri ng Kagawaran at batay sa CoVid-19 National Situationer, ibinahagi ni Public Health Services Team undersecretary & DOH spokesperson, Dr. Rosario Singh-Vergeire, nasa Top 3 ang Rizal batay …
Read More »Mayor ng Tanay, dedma sa wasak-wasak na tulay
NAGPAHAYAG ang mga guro na nahihirapan makatawid sa ilog dahil sa sira-sirang tulay na kawayan sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal, na winasak nang manalasa ang bagyong Ulysses noong Nobyembre 2020. Ibinahagi ng isang gurong kinilalang si Jerolyn Caber ang hirap umanong tumawid sa tulay na gawa sa kawayan at kahoy lalo na kung tag-ulan. Aniya, sa tuwing masisira …
Read More »Ulo ng biker napisak sa killer truck (Sa San Mateo, Rizal)
ISANG biker ang namatay nang magulungan ang kanyang ulo ng 10-wheeler truck matapos matumba habang nagbi-bike sa bayan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal, nitong Martes, 21 Setyembre. Kinilala ang biktimang si Hermiñano Cargullo, nasa hustong gulang, habang kusang loob na sumuko sa mga awtoridad ang driver ng truck na si Jobert Cortes. Sa naantalang ulat ng pulisya, dakong 9:30 …
Read More »Mister pinatay sa harap ng misis sa Pasig (Kaso pinapatutukan ni Eleazar)
SA KABILA ng nagkalat na close circuit television (CCTV) camera sa lungsod ng Pasig, nakuha pa rin makatakas ng isang gunman na pumaslang sa isang 32-anyos lalaki sa harap mismo ng kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Bambang, nitong Sabado, 18 Setyembre. Hindi na nakuhang isugod sa pagamutan ang biktimang kinilalang si Gilson Garcia na agad namatay …
Read More »2 spa na may extra service sinalakay 11 babae naligtas sa Antipolo
Arestado ang dalawang manager habang 11 babae ang nasagip mula sa dalawang spa na nag-aalok ng “extra service” nang salakayin ng mga awtoridad sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, nitong Biyernes, 17 Setyembre. Ayon sa ulat ng Antipolo city police, sinalakay ang Nitzi Touch Massage at Miyoto Spa na parehong matatagpuan sa Sumulong Highway, Brgy. Mayamot, sa nabanggit na …
Read More »92K bakuna kontra CoVid-19 naiturok na sa Cainta
UMABOT sa 92,896 doses ng mga bakuna ang naiturok sa mga residente ng bayan ng Cainta, sa lalawigan ng Rizal. Ayon sa Facebook post ni Cainta Mayor Keith Nieto, kabilang sa kabuuang bilang ang 63,412 para sa unang dose, habang 29,484 para sa ikalawang dose. Aniya, naibahagi ang 6,532 doses sa frontliners; 29,398 sa senior citizens na nasa kategoryang A2; …
Read More »Owner, caretaker, 21 ‘basketbolista’ sa Pasig inaresto (Sports arena binuksan kahit MECQ)
HAHARAPIN ng may-ari at ng caretaker ng isang sports arena sa lungsod ng Pasig ang kasong paglabag sa EO No. PCG-66 ng RA 11332 ng Inter-Agency Task Force (IATF) matapos payagang maglaro ng basketball at magpustahan ang may 21 katao sa kanilang pasilidad, sa gitna ng umiiral pang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila. Kinilala ni P/Col. Roman …
Read More »P7-B proyekto ng road dike, 5-story building sa Marikina, ‘inayawan’ ni Mayor Teodoro? — Cong. BF Fernando
AABOT sa P7 bilyong halaga ng mga proyekto kabilang ang konstruksiyon ng road dike at 5-palapag na gusali sa lungsod ng Marikina ang tinanggihan ng lokal na pamahalaan. Ito ang inihayag ni 1st District Congressman Bayani ‘BF’ Fernando na deretsahan umanong tinutulan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro. Unang binanggit ng kongresista ang dalawang P800-milyong budget ng road dike at 5-palapag na …
Read More »9-unit apartment sa Antipolo, isinailalim sa granular lockdown
ISINAILALIM sa granular lockdown ang isang 9-unit apartment sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, matapos magpositibo sa CoVid-19 ang ilang residente rito. Sa imbestigasyon ng City Health Office, dalawang unit ang may nagpositibo at may mga suspected cases sa apat pang unit ng apartment na matatagpuan sa Ursula St., Milagros Subdivision, Brgy. Dalig, sa nabanggit na lungsod. Nabatid na …
Read More »Beautician arestado sa ipinuslit na tsokolate
ISANG 24-anyos beautician ang nadakip nang mang-umit ng tsokolate sa isang drug store nitong Sabado ng umaga, 28 Agosto, sa lungsod ng San Juan. Kinilala ng pulisya ang suspek na si August Leo Quiambao, 24 anyos, isang beautician. Nabatid na dakong 8:00 am kamakalawa, nang pumasok si Quiambao sa drug store sa Brgy. Rivera, sa lungsod, at nagpanggap na namimili. …
Read More »P1.2-M droga nasamsam sa 3 HVT arestado
NADAKIP ng mga awtoridad sa ikinasang anti-drug operation ang tatlong high value target (HVT) at nakuha sa kanila ang higit sa P1 milyong halaga ng ilegal na droga sa lungsod ng Marikina, nitong Martes ng gabi, 22 Hunyo. Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Mark Gil Busa, Abdulah Ebrahim, alyas Boss, at Khalid Omar Latip, pawang nasa drug …
Read More »Magkapatid, asawa timbog sa droga sa montalban
ARESTADO ng mga awtoridad ang magkapatid na hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga pati na ang asawa ng isa sa kanila sa buy bust operation na ikinasa sa bayan ng Montalban, lalawigan ng Rizal, nitong Martes ng gabi, 1 Hunyo. Sa ulat kay P/Lt. Col. Christopher Dela Peña, kinilala ang mga nadakip na magkapatid na sina Ferdinand Bonoso …
Read More »4.3-M estudyante pre-registered na para sa SY 2021-2022 — DepEd
BINUBUO ng mga estudyante mula sa kindergarten, grade 1, 7 at 11 ang 4,300,000 nagparehistro sa pre-registration para sa School Year 2021-2022. Tiniyak ni Department of Education Undersecretary Jesus Mateo, mula sa kindergarten, grade 1, grade 7 at grade 11 ang mga mag-aaral na nakapagparehistro na. Aniya, halos 95% sa bilang na ito ay kumakatawan sa mga mag-aaral …
Read More »Binatilyo binoga sa mata patay sa ikatlong kalabit ng gatilyo (Sablay sa dalawang ‘klik’)
ARESTADO ang 19-anyos suspek nang barilin sa kaliwang mata na ikinamatay ng isang 15-anyos binatilyo sa lungsod ng Pasig, nitong nakalipas na Miyerkoles, 5 Mayo. Sa ulat, kinilala ang nadakip na si Anwar Pascan Piang, alyas Negro, 19 anyos, sa kanyang pinagtataguan sa night market sa lungsod ng Pasay sa follow-up operations na ikinasa ng Pasig police. Nabatid na noong …
Read More »P102-M droga nasabat 2 tulak todas sa buy bust (Sa Taytay, Rizal)
BUMAGSAK nang walang buhay sa anti-illegal drug operation na ikinasa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) ang dalawang hinihinalang tulak habang nakompiska ang P102-milyong halaga ng droga, nitong hatinggabi ng Miyerkoles, 28 Abril, sa Highway 2000, bayan ng Taytay, lalawigan ng Rizal. Ayon kay P/BGen. Remus Medina, direktor ng PDEG, kinilala sa alyas na Alvin ang …
Read More »P2.8-M droga nasamsam 5 suspek arestado (Sa Marikina)
DINAKIP ang lima katao nang makompiskahan ng P2.8-milyong halaga ng hinihinalang shabu ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement UNIT (SDEU) sa kanilang ikinasang anti-drug operations nitong Sabado ng gabi, 24 Abril, sa lungsod ng Marikina. Kinilala ang mga suspek na sina Eugene Lumbre, 61 anyos, alyas Daddy Tong; Marlon Soriano, 34 anyos; Alex Amirel, 31 anyos; Princess Navena, 25 …
Read More »Montalban Mayor itinangging mula sa pondo ng bayan (Pamamahagi ng motorsiklo sa SK chairs fake news)
ITINANGGI ni Mayor Dennis Hernandez na pondo ng bayan ang ipinambili sa 11 units ng motorsiklong Yamaha NMAX na ipinamahagi sa Sangguinang Kabataan chairpersons sa bayan ng Montalban, lalawigan ng Rizal. Sinabi ng alkalde sa kanyang Facebook account, donasyon umano ito ng A Riders Group na nais makatulong sa mga kabataan. Giit ni Hernandez, hindi kailanman maglalaan ng pondo sa …
Read More »ARMC sa Marikina, 80% full capacity sa COVID-19 patients — Dr. Mateo
NASA 80 porsiyentong full capacity para sa mga pasyenteng positibo sa CoVid-19 ang Amang Rodriguez Medical Center, sa lungsod ng Marikina. Ayon kay Dr. Imelda Mateo, ARMC Chief, nasa 76 ang admitted, 70 ang kompirmado, at anim ang suspected patient, habang walo pa ang naghihintay sa emergency room na maiakyat sa CoVid ward. Ani Dr. Mateo, aminado siyang wala nang …
Read More »