Saturday , December 4 2021

Ed Moreno

‘Yuppie’ nireyp ninakawan ng katagay (Nakilala sa gimikan)

DALAWANG beses nang ginahasa, ninakawan pa ang isang 29-anyos young professional (yuppie) ng isang lalaking nakilala sa gimikan sa Antipolo City, kamakalawa ng madaling-araw. Tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Mike Guzman, 25- anyos, nakatira sa Volleygolf Subd., Brgy. Mambugan, sa nabanggit na lungsod. Sa imbestigasyon ni PO3 Jasmine Menor, unang nangyari ang panghahalay sa biktimang si “Rodora” …

Read More »

Pampi Jr nagpalusot ng barko-barkong semento (Faeldon niresbakan si Ping)

IBINUNYAG ni dating Customs commissioner Nicanor Faeldon, sangkot sa cement smuggling ang anak ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na si Panfilo “Pampi” Lacson, Jr. Inihayag ito ni Faeldon sa ginanap na press conference sa Taytay, Rizal, kahapon. Isiniwalat ng dating Customs commissioner makaraan idawit ni Lacson ang kanyang pangalan sa sinasabing mga tumanggap ng ‘tara.’ Ayon kay Faeldon noong Hulyo …

Read More »

Ex-editor, utol binistay ng ‘hired killer’

PATAY ang dating editor ng Business World na kasalukuyang consultant ng Department of Finance, at kapatid niyang negosyante, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem habang sakay ng kotse sa San Juan City, kamakalawa. Kinilala ni EPD director, C/Supt. Romulo Sapitula, ang mga biktimang sina Michael Marasigan, dating editor ng Business World na kasalukuyang consultant ng DoF, at kapatid niyang negosyante …

Read More »

4 DEU police ng Antipolo tiklo sa P50K extortion

ARESTADO sa loob mismo ng Antipolo PNP ang apat tauhan nito na nakatalaga sa Drugs Enforcement Unit (DEU), makaraan hingian ng P50,000 ang hinihinalang bigtime drug pusher na kanilang inaresto kamakailan. Kinilala ni Supt. Raynold Rosero, chief of police, ang mga nadakip na sina SPO1 Ginnie San Antonio, PO2 Randolph Opeñano, PO2 Erwin Fernandez, at PO1 Alejo de Guzman, pawang …

Read More »

Sinibak na hepe ng Binangonan PNP sugatan sa ambush

  NILALAPATAN ng lunas sa ospital ang dating chief of police ng Binangonan PNP, makaraan tambangan habang papasok sa trabaho sa Antipolo City, kahapon ng umaga. Sa ulat kay S/Supt. Albert Ocon, Rizal PNP provincial director, kinilala ang biktimang si Supt. Noel Verzosa, kasalukuyang nakatalaga sa personnel division ng PNP Region-IV (Camp Vicente Lim) Laguna. Sa imbestigasyon, dakong 7:00 am …

Read More »

Babaeng fiscal utas sa tandem (Sa Rizal)

dead gun police

  BINAWIAN ng buhay ang isang lady assistant prosecutor makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Dolores, Taytay, Rizal, kamakalawa ng hapon. Sa ulat kay S/Supt. Albert Ronatay, kinilala ang biktimang si Atty. Maria S. Ronatay, Rizal assistant prosecutor, habang tumakas ang dalawang suspek lulan ng motorsiklo patungo sa bahagi ng Kaytikling sa nabanggit na lalawigan. Ayon sa imbestigasyon, dakong 5:00 …

Read More »

FB group gamit sa drug trade, 8 arestado sa buy-bust

  ARESTADO ang walo katao na ginagamit ang isang private Facebook group sa pagtutulak ng droga, sa ikinasang mga buy bust operation ng mga awtoridad, sa lalawigan ng Rizal. Hindi alam ng mga suspek, isang ‘tanim’ ng Philippine Drug Enforcement Agency ang nakapasok sa kanilang chat group. Sa screen shots sa chat ng FB group, mababasa ang transaksiyon sa bentahan …

Read More »

Drug suspect utas sa Tokhang ops

PATAY ang isang 31-anyos lalaking nasa drug watchlist ng pulisya nang makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang Tokhang operation sa Montalban, Rizal, kamakalawa ng gabi. Sa ulat na tinanggap ni Supt. Hector Grijaldo, kinilala ni Mercedita Zapra ang anak niyang napatay sa drug operation na si Jeffrey Zapra, alyas Taloy, 31, nakatira sa Sitio Wawa, Brgy. San Rafael, ng nabanggit …

Read More »

Teresa COP sinibak ni Gen. Bato

SINIBAK sa puwesto ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang chief of police ng Teresa PNP na si C/Insp. Richard Ganalon, makaraan mahulihan ng P200,000 halaga ng shabu ang isa niyang tauhan. Personal na nagtungo sa Teresa PNP si Dela Rosa at sinermonan ang nadakip na si PO1 Fernan Manimbo, 33, ng Brgy. Bravo, Gen. M. Natividad, …

Read More »

Pulis-Rizal timbog sa droga

ARESTADO ang isang pulis na nakatalaga sa Drug Enforcement Unit ng Teresa PNP, nang maaktohan na nagbabagsak ng 100 gramo ng shabu sa Carissa 1, Brgy. Bagumbayan, sa lalawigan ng Rizal, nitong Martes. Kinilala ni S/Supt. Albert Ocon, Rizal PNP provincial director, ang nadakip na si PO1 Fernand Manimbo, itinuturing na high value target ng Rizal PNP. Nakuha sa suspek …

Read More »

Bumagsak na chopper iniimbestigahan

MASUSING iniimbestigahan ng AFP at PNP ang pagbagsak ng military chopper na ikinamatay ng tatlong miyembro ng Philippine Air Force at ikinasugat ng isa pa, habang nagsasagawa ng rescue operation training sa Sitio Hilltop, Brgy. Sampaloc Tanay, Rizal, kamakalawa. Ayon kay Lt. Xy-zon Me-neses, Public Affairs chief, ng 2nd Infantry Division, dakong 3:00 pm nang mangyari ang insidente habang sakay …

Read More »

Mag-asawa, magpinsan utas sa ratrat sa San Juan

dead gun police

APAT katao, sinasabing nasa drug watchlist ng PNP, ang pinagbabaril at napatay ng armadong mga suspek sa magkahiwalay na lugar sa San Juan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni S/Supt Wil-liam Segun, chief of police, ang unang napatay na mag-asawang sina Nicolas Evan Pinili, 48, Mercedes Pinili, 48, kapwa ng Brgy. Progreso ng nasabing lungsod. Ayon sa ulat, dakong 10:30 …

Read More »

Pulis itinumba sa simbahan (Sa Rizal)

PATAY ang isang pulis makaraan pagbabarilin ng hindi  nakilalang mga suspek sa labas ng isang simbahan sa Rodriguez, Rizal. Mahigit isang linggo pa lang nakadestino sa lugar ang biktimang si PO1 Junfil Lawas. Ayon sa mga residente, dakong 9:00 pm nitong Huwebes, nang umalingaw-ngaw ang magkakasunod na putok ng baril sa labas ng isang simbahan sa Brgy. San Jose, Rodriguez …

Read More »

Babaeng negosyante patay sa pa-beauty (2 doktor kakasuhan)

DESIDIDO ang pamilya ni Shiryl Saturnino na kasuhan ang dalawang doktor ng The Icon Clinic, dahil sa pagkamatay ng biktima makaraan operahan nitong Linggo ng madaling-araw. Napag-alaman, ikatlong beses nang nagtungo ang biktima sa nasa-bing pribadong klinika para sumailalim sa breast liposaction at butt surgery. Naniniwala ang mga magulang ng biktima na sina Noli at Shirley Sa-turnino, nagkaroon ng kapabayaan …

Read More »

63-anyos lola tinadtad ng tare ng manok

HINDI umabot nang buhay sa pagamutan ang 63-anyos lola makaraan saksakin nang 10 beses ng tare ng manok habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay sa Taytay, Rizal, kamakalawa ng gabi. Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Paz Ferrer, ahente ng lupa, at nakatira sa 26 Hillside St., Towerhills Subd., Brgy. Dolores, ng nabanggit na bayan. Sa imbestigasyon ni PO2 …

Read More »

Ina, 2 anak patay sa sunog sa Taytay

PATAY ang isang ina at dalawa niyang anak nang ma-trap sa kanilang nasusunog na bahay sa isang subdivision sa Saint Anthony Subd., Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal nitong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ni SFO3 Mario Paredes, fire marshal investigator, ang mga biktimang sina Maria Teresa Agustin Hermocilla, 23; Terence, 5, at Andrea, 4-anyos. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 7:30 …

Read More »

4 patay, 15 arestado sa gun for hire vs PNP Cainta

dead gun police

APAT ang patay makaraan maka-enkuwentro ng mga tauhan ng PNP-Cainta ang mga miyembro ng Highway Boys, grupo ng gun-for-hire na sangkot din sa ilegal na droga at robbery holdup sa Brgy. San Andres, Cainta, Rizal kamakalawa. Sa ulat ni Supt. Marlon G. Nilo, chief of police, nang matunton nila ang kinaroroonan ng grupo ay sinalakay nila ang lugar ngunit lumaban …

Read More »

3 drug users todas sa boga ng maskarado

BINAWIAN ng buhay ang tatlong hinihinang drug users habang nakatakbo ang isang lalaki nang pasukin ng isang maskarado at pinagbabaril sa loob ng isang bahay sa Marikina City. Sa ulat ng Marikina PNP, kinilala ang mga biktimang sina Jesus Martin, 60; Danilo Sercula, 46, at Rodel Aguilar, 41, habang nakatakbo si Wilfredo Martin makaraan paluin ng puluhan ng baril sa …

Read More »

4 gun for hire arestado sa Montalban

ARESTADO sa mga tauhan ng CIDG ang apat hinihinalang mga miyembro ng gun for-hire group na tinaguriang “Hinirang Gang” sa kanilang hang-out sa PNP-AFP Housing, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal kamakalawa. Kinilala ang mga nadakip na sina Roberto Berones, Ronilo Marbon, Jose Belleza at Dominic Ortega. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang mga suspek ay nadakip nang pinagsanib na puwersa …

Read More »

5 holdaper utas sa parak

PATAY ang limang hinihinalang drug user at holdaper nang lumaban sa mga pulis makaraan holdapin at i-gapos ang isang babae, sa inilatag na dragnet operation ng mga awtoridad sa Jala-jala, Rizal kahapon ng umaga. Ayon kay Chief Inspector Joseph D. Macatangay, chief of police ng Jala-Jala PNP, dakong 6:30 am nang holdapin ng mga suspek ang biktimang si Flora Oruga, …

Read More »

5 katao todas sa maskarado (Drug den sa Mandaluyong sinalakay)

LIMA katao ang patay, kabilang ang isang babae, nang ratratin ng anim armadong lalaki at tinangay ang P200,000 cash ng isa sa mga biktima sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City kamakalawa ng gabi. Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga napatay na hinihinalang may kinalaman sa droga, na sina Manuel Evangelista, 37; Jennifer Discargar, 31; John Paolo Toboro, 24; …

Read More »

Magdyowang pusher huli sa hotel

ARESTADO sa loob ng hotel ang pinanniniwalaang magkalaguyo na tulak ng droga at apat pa sa magkakahiwalay na drug operation at nakompiskahan ng granada, baril at shabu sa Tanay, Rizal. Kinilala ni Chief Insp. Bartolome Marigondon, hepe ng Tanay PNP, ang mga nadakip na sina Reymond Ambrocio, 39, at Ma. Celestine Catuday, 24, naaresto sa loob ng Kenos Hotel sa …

Read More »