Wednesday , October 27 2021

Ed Moreno

COVID-19 positive sa Montalban umakyat sa 71

LOMOBO sa 71 ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa anim na barangay sa bayan ng Montalban, sa lalawigan ng Rizal.   Ayon sa datos ng local health office, 32 sa Barangay San Jose, 20 sa Barangay San Isidro, lima sa Barangay San Rafael, siyam sa Barangay Burgos, tatlo sa Barangay Manggahan, at dalawa sa Barangay Balite ang positibo sa naturang …

Read More »

Tulak nasakote sa .6-kilo ‘damo’

TIMBOG ang isang 23-anyos lalaki nang masamsam mula sa kaniya ang tinatayang 604 gramong pinatuyong dahon ng marijuana sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng pinagsanib na puwersa ng Montalban PNP at PDEA sa bayan ng Rodriguez, sa lalawigan ng Rizal.   Kinilala ni P/Capt. Renato Torres, deputy chief of police ng Montalban PNP, ang nadakip na suspek na si John …

Read More »

8 adik nag-pot session sa footbridge timbog (Sa Mandaluyong)

KALABOSO ang walong katao nang mahuli sa aktong sumisinghot ng shabu sa isang footbridge sa Shaw Boulevard, Barangay Highway Hills, sa lungsod ng Manda­luyong noong Huwebes ng gabi, 25 Hunyo. Kinilala ang mga suspek na sina Allan Garcia, 39 anyos; Rowell Santos, 33 anyos; John Carlo Ocampo, 34; Ryan Mendoza, 30 anyos; Lester Caalim, 28; Andrew Aday; Jose Panganiban, 21 …

Read More »

Sa Marikina City… P3-M droga nasamsam, HVT timbog sa drug ops

ARESTADO ang 33-anyos lalaking pinaniniwalaang high value target (HVT) sa anti-drug operation sa lungsod ng Marikina, nitong Martes ng gabi, 23 Hunyo.   Kinilala ng Marikina PNP ang suspek na si Abbas Darimbang Dimasowa, 33 anyos, residente sa Barangay Calumpang sa lungsod.   Dinakip ang suspek nang bentahan niya ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer sa SM Marikina …

Read More »

Task Force sa ambush ng Teresa mayor binuo

BINUO ng Rizal PNP ang isang special investigation task group upang tugisin ang tatlong suspek sa pananambang kay Teresa Mayor Raul Palino na dating pinangalanang sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga na nasa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.   Ayon kay Rizal PNP Provincial Director P/Col. Renato Alba, ligtas si Palino ngunit sugatan ang driver niyang si Joel Balajadia, …

Read More »

COVID-19 sa Antipolo umabot sa 194 kaso

UMAKYAT sa 194 kaso ang mga pasyenteng positibo sa COVID-19 sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, na anim sa walong bagong kaso ay nagtatrabaho sa Metro Manila.   Base sa datos ng Antipolo city government, dahil sa walong nadagdag na bagong kaso kaya umabot sa 194 ang kompirmadong tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.   Samantala, 133 ang naitalang gumaling …

Read More »

Lolo at lola prayoridad sa Montalban (Sa gitna ng pandemya)

TINIYAK ni Montalban Mayor Tom Hernandez na prayoridad sa kaniyang programa ang mga senior citizen lalo ngayong may krisis na kinahaharap ang bansa dulot ng pan­demyang COVID-19 sa ilalim ng MSWD ng LGU. Aniya, ang mga senior citizen ay nakatatanggap ng monthly financial assistance sa ilalim ng MSWD-Senior Citizen Office, tulad ng pang­kabuhayan, medical at health support mula sa lokal …

Read More »

4 adik sa Mandaluyong timbog sa pot session (GCQ binalewala)

ARESTADO ang apat kataong huli sa aktong sumisinghot ng ilegal na droga sa isang pot session kahapon ng madaling araw, 14 Hunyo, sa lungsod ng Mandaluyong. Kinilala ng Mandaluyong PNP ang apat na nadakip na sina Carlos Roberto, 52 anyos; Reynald Circulado, 26 anyos; Roel Jingco, 53 anyos; at Irish Capapas, 43; pawang mga residente sa Coronado St., Barangay Hulo, …

Read More »

COVID-19 lomobo sa Marikina positibong kaso 224 na

UMAKYAT sa 224 ang tinamaan ng coronavirus disease (COVOD-19) sa lungsod ng Marikina batay sa huling tala ng local health department. Ayon sa datos na inilabas ng Marikina Public Information Office dakong 3:00 pm noong Biyernes, 5 Hunyo, pumalo sa 224 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 ngunit nanatili sa 25 ang mga binawian ng buhay. Ikinatuwa ni Marikina …

Read More »

255 trike driver sa Manda positibo sa COVID-19

POSITIBO ang 255 tricycle drivers sa COVID-19 samantala 400 market vendors ang negatibo sa virus sa isinagawang “rapid test” kamakalawa, 26 Mayo, sa lungsod ng Mandaluyong. Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, mahigpit na ipinatutupad ang modified enhanced community quarantine (MECQ) protocol sa lungsod. Bukod dito, susunod din aniya sa health protocol ang mga magbubukas na mall. Sa ngayon, …

Read More »

5 tiklo sa droga sa Marikina (Kahit nasa ilalim ng MECQ)

shabu drug arrest

ARESTADO ang limang katao sa isang drug bust operation nang bentahan ng hinihinalang droga ang isang pulis sa lungsod ng Marikina. Kinilala ang mga nadakip na sina Ethel Cain Bonadio, 23 anyos, at kalaguyong si Russel Cruz, 19 anyos; Amber Bermudo, 36 anyos; James Monforte, 24 anyos, at Wecan Mae Bomio, pawang mga nadakip sa #75 Angel Santos St., Barangay …

Read More »

Payout ng SAP tensiyonado (Army, PNP nakatutok sa Montalban)

NAMUO ang tensiyon sa payout ng Social Amelioration Program (SAP) dahil sa tatlong araw na pila ng mga residente sa dalawang barangay na bantay-sarado ng mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army (PA) sa bayan ng Montalban, lalawigan ng Rizal.   Base sa reklamo ng mga beneficiary, sobrang bagal at walang sistema ang pamamahagi ng DSWD dahil …

Read More »

Transmission ng Peak sa COVID-19, nalampasan na ng San Juan

MALAKI ang paniniwala ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Juan na nalagpasan na nila ang Peak transmission ng COVID-19.   Tiniyak ito ni San Juan city mayor Francis Zamora at magandang balita umano para sa mga mamamayan ng lungsod.   Base sa datos ng San Juan Health Department at Department of Health (DOH), bumaba ang naitalang kaso ng …

Read More »

San Juan Mayor sumailalim sa 14-day self quarantine

AGAD sumalang sa 14-araw self quarantine si San Juan Mayor Francis Zamora makaraang isa sa staff niya ang nagpositibo sa novel coronavirus o COVID-19. Ayon sa alkalde, nasa perfect physical kondisyon siya at walang sintomas ngunit sumailalim siya sa 14-day self quarantine para sa kaligtasan ng mamamayan ng lungsod ng San Juan Nangako rin siya sa mga kababayan na kahit …

Read More »

Taytay Mayor Gacula tinamaan COVID-19

INAMIN ni Taytay Mayor Joric Gacula sa pamamagitan ng Facebook live nitong Linggo ng hapon (29 Marso) na tinamaan siya ng COVID-19 ayon sa kanilang family doctor. Aniya, nakaramdam na siya ng pananakit ng lalamunan, sininat, at gininaw simula noong nakaraang Martes ng umaga, 24 Marso. Agad  siyang nagkonsulta sa kanilang family doctor na si Dr. Sonny Uy at pinayohan …

Read More »

41 kaso ng COVID-19, naitala sa San Juan

NASA 41 katao ang naitalang tinamaan ng coronavirus 2019 (COVID-19) sa lungsod ng San Juan hanggang kamakalawa ng umaga, 22 Marso. Sa datos ng lokal na pamahalaan, pinakamaraming naitala sa Bgy. Greenhills at Bgy. West Crame dahilan para ikonsidera ang dalawang barangay bilang ‘hotspots.’ Sa listahan ng local health office nabatid ang bilang sa Barangay Balong-Bato – 1; Barangay Corazon …

Read More »

24-oras curfew inilatag na… ECQ sa Montalban doble higpit na

TODO-HIGPIT ngayon ang lokal na pamahalaan ng Montalban matapos ilatag ang 24-oras curfew sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine matapos na isang residente ang tamaan ng coronavirus 2019 (COVID-19). Sa anunsiyo mula sa tanggapan ni Montalban Mayor Tom Hernandez, dalawang oras na lamang ang pamamalengke mula 6:00 hanggang 10:00 ng umaga at hindi maaaring lumagpas dito. Inatasan na rin niya …

Read More »