
4.3-M estudyante pre-registered na para sa SY 2021-2022 — DepEd
BINUBUO ng mga estudyante mula sa kindergarten, grade 1, 7 at 11 ang 4,300,000 nagparehistro sa pre-registration para sa School Year 2021-2022.
Tiniyak ni Department of Education Undersecretary Jesus Mateo, mula sa kindergarten, grade 1, grade 7 at grade 11 ang mga mag-aaral na nakapagparehistro na.
Aniya, halos 95% sa bilang na ito ay kumakatawan sa mga mag-aaral na naka-enrol noong nakalipas na taon.
Matatandaan na noong 26 Marso ay nagsagawa na ng early registration para sa pasukan ang DepEd sa buong bansa.
Ayon sa kagawaran, pinalawig pa ang enrolment hanggang katapusan ng Mayo imbes magtapos ito nitong nakalipas na buwan ng Abril. (EDWIN MORENO)