I-FLEX
ni Jun Nardo
TAKOT ang nadama ng singer na si Rob Deniel nang sabihan siya ni Boss Vic del Rosario na magkakaroon na siya ng solo concert sa Araneta Coliseum.
Eh sinabihan si Rob ni Boss Vic na kaya na niya kaya heto, magaganap sa Feb. 27 ang
The Rob Deniel Show niya sa Big Dome.
Of course, hindi akalain ni Rob na ang pagiging simple niyang tao na mahilig sa musika eh makabibighani ng taong mahilig sa music.
Si Rob ang nasa likod ng hit songs na Miss Miss, Rom Com, at ang biggest hit niya eh ang cover ng Nandito Ako ni Ogie Alcasid.
Suportado naman si Rob ng malalaking guests gaya nina Ogie Alcasid, Pops Fernadez, Arthur Nery, Janine Tenoso, at Ashtine Olviga.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com