Wally Bayola son pilot Rome

Anak ni Wally na si Rome licensed pilot na 

I-FLEX
ni Jun Nardo

BONGGANG birthday gift ang natanggap ni Wally Bayola mula sa kanyang lalaking anak.

Isa nang licensed pilot ang anak niyang si Rome at nasa Facebook account ni Wally ang pictures ng anak kasama ang isang light aircraft na siya ang nagpalipad.

Of course, ibang Wally ang nakikita sa Eat Bulaga at sa performances nila ng partner niyang si Jose Manalo.

Pero sa likod ng kamera at mata ng tao, devoted father si Wally sa mga anak na matapos ang pinagdaanang unos sa buhay eh ang pagiging tatay at mabuting asawa ang gusto sa kanya ng mga tao.