I-FLEX
ni Jun Nardo
IPINAGDASAL ni Rhen Escano na magkaroon siya ng project sa Viva One. Nagkaroon ito ng katuparan sa Viva One series na My Husband Is A Mafia Boss.
Isa sa most read sa Wattpad ang My Husband Is A Mafia Boss na isinulat ni Yanalovesyouu na mayroon ng 218 million reads.
Pumanaw na ang sumulat nito na si Diana Marie Serrato Maranan na mas kilala bilang Yanalovesyouuu na mapapanood sa Viva One this year.
And leading man ni Rhen ay si Joseph Marco na sinamahan sila ng maraming Viva stars at directed by Fifth Solomon.
Action, drama, comedy, romance, tension, at suspense ang mararanasan ng viewers sa Viva One series.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com