Tuesday , December 23 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening ng pelikula nila ni Zanjoe Marudo na  entry ng Quantum Films at Cineko Productions sa 51st Metro Manila Film Festival, ang UnMarry, Sabado ng gabi sa Trinoma Cinema 6, Quezon City.

Hindi na kasi ito nakapagsalitang mabuti nang hingan ng pagbati nang tawagin siya nang pumasok na sa sinehan. Tiyak na ikinagulat niya ang dami ng taong nasa loob at labas ng sinehan para saksihan ang pagbabalik-pelikula niya.

Halo-halong excitement ang naramdaman ng aktres sa kanyang pagbabalik-pelikula.

Kaya naman sinalo at inakap na siya ni Eugene Domingo na kasama nila sa pelikula.

Sinuportahan si Angelica ng kanyang asawang si Gregg Homan. Dumating naman si Ria Atayde, kapatid na babae at daddy  ni Zanjoe para bigyang suporta ang aktor.

Nakita rin namin sa red carpet premiere night sina Ms. Cory Vidanes, COO ng ABS-CBN, Direk Tonette Jadaone, Kean Cipriano, Maris Racal, Direk Quark HenaresZaijian Jaranilla, Gela Atayde, Shamaine Buencamino (kasama rin sa pelikula), Pokwang, Glaiza de CastroEnchong Dee, John ‘Sweet’ Lapus at National Artist Ricky Lee.

Maganda ang kabuuan ng pelikula na tumatalakay sa annulment. idinirehe ni Jeffrey Jeturian mula sa screenplay nina Chris Martinez at Therese Cayaba. Umiikot ang kuwento sa isang mag-asawa na hiwalay na nagpo-proseso ng dissolution ng kanilang kasal sa pamamagitan ng annulment.

Informative ang pelikula na tiyak makatutulong sa mga nagnanais mag-file annulment.

Si Celine (Angelica) ang pobreng misis ng hambog na si Stephen (Tom Rodriguez) na naghahangad makawala sa miserableng buhay kaya nag-file ng annulment.

Si Ivan naman si Zanjoe na gustong makuha ang custody ng anak na si Elio (Zac Sibug) kay Maya (Solenn Heussaff).

Si Eugene naman si Atty. Jackie na siyang nagbigay ng Annulment 101.

Pinaka-kumurot sa amin ang eksena ni Elio na nag-testify. Dito’y inihayag ni Elio ang saloobin ukol sa paghihiwalay ng magulang. Kaya naman marami ang pinaiyak ng baguhang bagets na ito.

Pagkatapos ng screening, hindi na napigilan pa ni Angelica at doon na ito napahagulgol kaya naman ganoon na lamang yakap nito sa kanyang direktor, mga kasama sa pelikula dahil overwhelming ang pagbati ng audience sa husay ng kanyang pagganap.

Hindi rin matatawaran ang husay ni Zanjoe bilang alcoholic na asawa ni Solenn na sinusubukang magbago para sa kanilang anak. Kung marami ang nahusayan kay Angelica, gayundin si Zanjoe. Kumbaga, hindi siya nagpakabog sa aktres.

Ramdam na ramdam namin ang paghihirap ng kalooban ni Zanjoe na malalayo ang anak at ang pagnanais na mabuo pa rin ang pamilya.

Sa galing ni Zanjoe, hindi malayong tanghalin siyang Best Actor ngayong 51st MMFF.

Sa kabuuan, maayos ang pagkakalatag ng UnMarry at isa ito sa inirerekomenda naming dapat mapanood ngayong Disyembre 25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Maricar Aragon Me and My Music

“Me and My Music” concert ni Maricar Aragon sa Viva Cafe, mamayang gabi na

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG fund-raising concert ang gaganapin mamayang gabi (Dec. 22) sa …

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …