Sunday , March 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dingdong Dantes Iza Calzado SPEEd

AKTOR, Dingdong naghayag ng suporta sa SPEEd

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MATAGUMPAY na nairaos ang ginanap na Induction and Recognition Ceremony ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) noong Martes, Pebrero 24, sa Bayanihan Center ng Unilab sa Pasig City.

Maagang nagdatingan ang mga panauhin sa pangunguna nina AKTOR Chairman Dingdong Dantes at President Iza CalzadoMOWELFUND Chairperson Boots Anson-Rodrigo at President Rez Cortez, Fire and Ice Entertainment CEO at founder Direk Ice Seguerra at asawang Liza Diño-Seguerra.

Sina Dingdong at Iza ang nanguna sa panunumpa ng mga bagong SPEEd officers ngayong 2026.

Masaya ang AKTOR chairman na sila ni Iza ang napili ng SPEEd dahil aniya, “Siyempre, we belong to the same industry. 

“Napakasarap makita na kapag ‘yung mga kasama mo sa industriya ay nag-oorganisa at lalong-lalo na pino-formalize ‘yung kanilang samahan kasi talagang makikita mong seryosong-seryoso sila sa development ng mga organization.

And AKTOR will always be there to support our colleagues in the industry kaya we’re very grateful na naimbitahan kami rito sa panunumpa ng organisasyong SPEEd.”

Bilang chairman ng AKTOR, ibinalita ni Dingdong na marami silang nakalinyang proyekto para sa pagpapatibay ng welfare and craft ng mga kapwa niya aktor sa industriya at excited silang makipag-collaborate sa SPEEd na may ganito ring layunin.

Sa ngayon, nasa mahigit 300 members na ang AKTOR at layunin nilang umabot sa 400 sa pagtatapos ng 2027.

Nilinaw din ni Dingdong na non-partisan group ang AKTOR at wala silang kulay-politika.

Samantala, sa ginanap na programa, itinalaga bilang pangulo ng SPEEd si Tessa Mauricio-Arriola, Entertainment and Lifestyle Editor ng The Manila Times

Kasama niya sa listahan ng mga bagong opisyal sina Maricris Valdez Nicasio (Hataw), VP for Internal Affairs; Gerardine Trillana (Malaya Business Insight), VP for External Affairs; Ervin Santiago(Inquirer Bandera), secretary; Rohn Romulo (People’s Balita), asst.-secretary; Dondon Sermino(Abante TNT at DWAR 1494), treasurer; Anna Pingol (Pika-Pika.com), asst. treasurer; Jerry Olea(PEP.ph), auditor; at sina Nickie Wang (Manila Standard), Janice Navida (Bulgar), at Neil Ramos(Tempo), PRO.

Ang iba pang miyembro ng SPEEd ay sina Eugene Asis (People’s Journal), Ian Farinas (People’s Tonight), at Salve Asis (Pilipino Star Ngayon at PangMasa), kasama sina Nestor Cuartero (Manila Bulletin at Tempo), Dinah Ventura (Daily Tribune), Jun Lalin (Abante), Nathalie Tomada (Philippine Star), Bobby Requintina (Manila Bulletin), at mga nagretiro nang patnugot na sina Dindo Balares(Balita) at Rito Asilo (Philippine Daily Inquirer).

Bukod sa ginanap na induction ng mga bagong opisyal ng SPEEd, sa unang pagkakataon ay nagbigay din ang grupo ng Recognition Awards sa mga naging katuwang nito sa mga nakaraang taon sa pagsusulong ng mga adbokasiya ng grupo.

Pinarangalan sina Ms. Claire Papa, Assistant Vice-President at head ng External Affairs and Social Partnerships ng Unilab Inc.; Maria Yolanda “Yoly” Crisanto, Chief Sustainability at Corporate Communications Officer ng Globe TelecomJoy Andrade, direktor para sa Corporate Communications sa Newport World ResortsAngeli Pangilinan-Valenciano, Board Member ng SoundCheck Inc.; Juancho Robles, Presidente at Punong Ehekutibo ng ChanRobles & Company CPAs; at Rhea “Rei” Anicoche-Tan, Presidente at Chief Executive Officer ng Beautéderm.

Big congratulations sa aming grupong, SPEEd, at maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa aming event kabilang na ang ilang kasamahan sa print media, ABS-CBN Corp. Communications headed by Kane Choa, Mr. Nelson Canlas of GMA-7, Chris Cahilig of PuregoldWilson Flores ng Kamuning Bakery CafeMs. Pinky Tobiano and husband Juancho Tobiano, David Young and Newport Resorts World PR team.

Salamat din sa suportang ibinigay ng ating Managing Editor, Ms Gloria Galuno na binigyang pagkilala rin ng SPEEd. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …