Wednesday , January 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ina de Belen Janice de Belen Im Perfect Sylvia

Janice ipinilit ang sarili, napamura sa ganda ng I’m Perfect

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI na active sa kanyang career si Ina de Belen. Hindi na siya napapanood sa pelikula at serye. Kaya naman sa isang interview sa mommy niya na si Janice de Belen, tinanong ito kung anong dahilan at mukhang nawawala sa sirkulasyon ang panganay niya?

Ang sagot niya na natatawa, “Si Ina ay anak ni Janice.”

Kaya ‘yun nasabi ni Janice ay dahil 14 pa lang siya nang unang nakipagrelasyon. Si Gabby Concepcion ang first boyfriend niya. Hindi siya naawat sa pakikipagrelasyon kahit na bata pa nga siya that time.

At si Ina ay ganoon din daw, na nagmana sa kanya na hindi nagpapaawat sa pakikipagrelasyon.

Sabi ni Janice, “Okey lang naman ‘yun. She is very happy. Ako ba naawat?  Hindi naman ako naawat.

“So, anong karapatan kong awatin ang anak ko? Hindi ko maaawat.

“I’m just thankful to Jake (Vargas-live in partner ni Ina). And my daughter seems happy.

So yun lang naman ang gusto ng mga nanay. Makita ang mga anak nila na masaya.”

Samantala, kasama si Janice sa pelikulang I’m Perfect na isa sa official entry sa Metro Manila Film Festival 2025. Mula ito sa Nathan Studios ni Sylvia Sanchez.

Bida sa pelikula sina Earl Amaba at Krystel Go, both with down syndrome. Ang director at sumulat ng script ay si Sigrid Andrea Bernardo.

Gumaganap si Janice sa nasabing pelikula bilang isang yaya. Hindi siya dapat kasama rito. Pero nang malaman niya mula kay Lorna Tolentino, na isa rin sa cast ng movie, kung gaano kaganda ang istorya na tumatalakay sa down syndrome, ay sinabi niya na gusto niyang  mapasama.

Agad nilang pinuntahan si Sylvia at inirekomenda ni LT na isama na nga sa movie si Janice. At napamura pa si Janice nang makausap si Sylvia dahil sa gustong-gusto nga nitong mapasama sa I’m Perfect.

Pero sabi  ni Ibyang kay  Janice, hindi siya magiging bida at maliit lang ang magiging role. 

Sagot naman ni  Janice ay, “there are no small roles, only small actors.”

Pagkarinig niyon ay pumayag na si Sylvia na isama na nga si Janice sa I’m Perfect, na showing na sa December 25..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel hinulaang magkaka-baby at ikakasal ngayong 2026

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING tatay na ba si Daniel Padilla kahit wala pa siyang asawa? …

John Fontanilla Oriña Family Reunion

Reunion ng Fontanilla at Oriña Family matagumpay 

MATABILni John Fontanilla MASAYA at punompuno ng buhay ang naganap na family reunion ng Fontanilla & Oriña last December …

Toni Gonzaga Mariel Rodriguez Bianca Gonzalez

Toni Gonzaga ‘di takot mamatay

MATABILni John Fontanilla HINDI raw takot mamatay ang Multi Media Star na si Toni Gonzaga dahil at …

SPEEd

Bagong pangulo at opisyales ng SPEEd pinangalanan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINIRANG ng grupong SPEEd ang bagong pangulo at iba pang opisyal nito kasabay …

Im Perfect Sylvia Sanchez Leila De Lima

Cong de Lima sobrang na-touch sa I’m Perfect: inirekomenda at ipinagmalaki

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INA sa ina at hindi politika. Ito ang binigyang linaw at …