Friday , October 18 2024
Gretchen Barretto, Claudine Barretto 

Greta at Claudine muling nagkampihan: demanda nakaamba sa isang kapatid

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

MAY idedemanda ang magkapatid na kaugnay ng usap-usapang nangutang ang huli sa misis ni Manny Pacquiao na si Jinkee

Kamakailan ay nag-live streaming sa Instagram si Claudine para ipahayag na ‘di siya umuutang kay Jinkee. Aniya, may nagkakalat lang ng intrigang ‘yon at may suspetsa na siya kung sino ‘yon. 

Nakakailang minuto pa lang si Claudine ng pagpapaliwanag nang biglang sumingit ang nakatatanda n’yang kapatid na si Gretchen. 

Sa tono ng pananalita ni Gretchen ay alam na niya kung sino ang naninira kay Claudine. 

Ratsada ni Gretchen: ”Sinong nagkakalat niyan, babe? Hindi kaya ate mo?

“Bakit ka ba inaapi, ha? Tinawagan ka pa niya kagabi, ‘di ba? What time was that? Nasa cellphone mo. Two something ng umaga tapos ‘yung boses ng ex-mayor nandoon din ‘di ba? 

“One of these days po sasagutin namin ang lahat ng mga nangyayari because a lot of people are also curious kung bakit kami live ng live. 

“Mayroon kaming mga gustong sabihin na nagpipigil pa kami. Ayaw namin ng away, we just want peace. There are things that we want to clear because kailangan. 

“There are also some things that kailangan idaan din sa lawyer. Now, we’d rather not talk about it yet, para fair ‘yung trial na ‘yun. I feel like Claudine wants to clear her name and get justice.”

Sino ba ang ate ni Claudine (na bunso sa magkakapatid na Barretto) na na-link sa isang meyor na parang ‘di na aktibo sa politika ngayon? ‘Yan ang clue sa identity ng tao na pinagsususpetsahan ni Gretchen na naninira kay Claudine. 

Abangan na lang natin ang aktwal na pagdedemanda nina Gretchen at Claudine. 

About Danny Vibas

Check Also

hospital dead

Napikon sa birong ‘di makauuwi
NURSE SINAKSAK NG PASYENTE, PATAY

BINAWIAN ng buhay ang isang 51-anyos babaeng nurse nang saksakin ng isang lalaking pasyente dahil …

dead gun

Binaril sa harap ng barangay hall, courier rider todas

PATAY ang isang lalaki nang mabaril ng kaniyang nakaalitan sa harap mismo ng isang barangay …

School building na walang utang puwede sa Maynila — Honey Lacuna

School building na walang utang puwede sa Maynila — Mayor Lacuna

“PUPUWEDE naman palang hindi mangutang para makapagpatayo ng isang gusalli ng mataas na paaralan.  Pupuwede …

Victor Relosa Christine Bermas

Victor Relosa ‘di makalilimutan si Christine Bermas

MATABILni John Fontanilla MASAYA ang  Vivamax actor na si Victor Relosa sa magandang takbo ng kanyang career sa Viva. …

Neil Coleta Election

Neil Coleta buo ang loob sa pagtakbo sa Dasmarinas

MATABILni John Fontanilla MARAMING artista ang tatakbo sa 2025 elections at  susubukan ang suwerte sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *