Friday , March 31 2023
Claudine Barretto, Gretchen Barretto

Si Claudine at ‘di si Greta ang tatakbo sa Halalan 2022

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

MARAMI ang humanga kay Gretchen Barretto sa magandang ginawa niyang pamimigay ng ayuda sa iba’t ibang personalidad sa loob at labas ng showbiz. Kahit na mga hindi niya kilala personally ay nakatanggap ng ayuda na ikinagulat ng iba.

Marami tuloy ang nag-isip na papasukin niya ang politika pero nagka mali sila dahil hanggang sa huling araw ng filing ng COC o Certificate of Candidacy ay walang Gretchen na nakita sa mga opisina ng Comelec.

Ang kapatid na si Claudine Barretto ang nakita sa Olongapo Comelec Office na nag-file ng kanyang COC para tumakbong Konsehal sa nasabing siyudad sa ilalim ng partido ng kanyang talent manager na si Arnold Vegafria na tatakbong Mayor.

Kahit bukal sa loob ni Gretchen ang pagkakawanggawa, may bumabatikos pa rin sa kanya na kesyo hindi naman sa kanyang bulsa nanggaling ang ipinambili sa mga ayuda kundi kay Atong Ang na ka-tandem niya sa mga sabungan. Mariin itong idinenay ni La Greta.

Gayun man, regardless kung totoo man o hindi, doon tayo sa magandang ginawa ni Gretchen na kusang nag-share ng blessings. ‘Yun ang ikinahanga ng marami na namigay siya na hindi naman niya kailangan gawin ng walang kapalit. ‘Yung mga bumabatikos ay inggit ang nananalaytay sa katawan.

Sana sa mga ganitong pagkakataon ay iwasan natin ang inggit at maging positive lahat.

About Joe Barrameda

Check Also

Tiffany Grey Robb Guinto Jiad Arroyo Quinn Carrillo Paupahan Vivamax

Paupahan, hindi dapat palagpasin sa Vivamax simula April 8 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAABANG-ABANG ang pelikulang Paupahan na mapapanood na sa Vivamax sa April 8, …

Rey Valera RK Bagatsing

RK Bagatsing, kinarir ang pagganap bilang Rey Valera

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio GRATEFUL si RK Bagatsing na sa kanya ipinagkatiwala ang pagganap bilang …

Gladys Reyes

Gladys  iyak ng iyak sa celebrity screening ng Apag

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL at hindi naiwasang maiyak ni Gladys Reyes sa special celebrity screening at press …

Eisel Serrano Carlo Aquino

Eisel Serrano natakot kay Carlo Aquino

MATABILni John Fontanilla VERY honest ang baguhang aktres na si Eisel Serrano na isa si Carlo Aquino sa showbiz …

Camille Prats

Camille naibalik nawalang cellphone sa concert

RATED Rni Rommel Gonzales MAY mabuting puso ang motorcycle delivery service na naghatid ng cellphone …