Tuesday , February 27 2024
Jun Miguel, Talents Academy

Talents Academy ni Direk Jun naka-2 nominasyon sa Star Awards for TV

MATABIL
ni John Fontanilla

DOBLE-SAYA ng director/producer na si Jun Miguel dahil double nomination ang nakuha ng kanyang ipinrodyus at idinireheng Children show sa IBC 13, ang Talents Academy sa 34th PMPC Star Awards for Television na mapapanood sa Oct. 17, 2021 sa STV at Rad Channel.

Nominado for Best Children Show ang Talents Academy gayundin bilang Best Children Show Hosts ang mga batang kasama rito na sina Anastacia Paronda, Candice Ayesha Paronda, Madisen Go, Gracelle Joace Jimenez, at Sedrick Ganolon.

Nagwagi na noong 2019 ang Talents Academy sa 33rd PMPC Star Awards for Television bilang Best Children Show at Best Children Show Host. Kaya naman wish ni Direk Jun na muling masungkit ang tropeo para sa mga kategoryang ito.

Pero kung hindi naman, okey lang dahil ang maging nominado sa Star Awards at mapansin ang kanilang show at mga host ay isang malaking karangalan at achievement na para sa kanila. Kaya gusto rin niyang magpasalamat sa mga miyembro at pamunuan ng Philppine Movie Press Club (PMPC) na siyang nasa likod ng Star Awards for Television.

About John Fontanilla

Check Also

Devon Seron

Devon no time for boys priority ang sarili

MATABILni John Fontanilla ZERO ang lovelife at no time for love ang motto ngayong 2024 …

Rayver Cruz Martin del Rosario Liezel Lopez Mikee Quintos

Rayver, Martin, Liezel naki-join the fun sa Gensan

RATED Rni Rommel Gonzales BUMISITA sa General Santos City ang Asawa ng Asawa Ko stars na sina Rayver …

Elle Villanueva

Ganti ni Elle matitikman na

RATED Rni Rommel Gonzales KUNG nawindang ang Crazy 5 sa pagbabalik ni Amira (Elle Villanueva), …

Rita Avila Yayo Aguila Jestoni Alarcon

Rita,Yayo, Jestoni may mga nakagugulat na rebelasyon

RATED Rni Rommel Gonzales MARAMING shocking revelations ang lalong nagpapa-intense sa Black Rider kaya naman talagang tutok …

Sylvia Sanchez Lorna Tolentino

Sylvia hataw ang tandem kay LT, Nathan Studios mas magiging aktibo ngayong taon

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGIGING abalang-abala ngayong taon ang premyadong aktres na si Sylvia …