Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suarez hinirang na minority leader

SA gitna ng batikos at protesta, hinirang ng Mababang Kapulungan ng Kongreso bilang mino­rity leader si Rep. Danilo Suarez ng Quezon.

Pinagbotohan ng ma­yor­ya sa plenaryo sa pamamagitan ng “ayes and nays” kung sino ang minority leader pagkata­pos ng ilang araw ng matinding debate kung karapat-dapat ba si Sua­rez na maging mino­rity leader sa kabila ng pag­suporta sa kudeta ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo laban kay Rep. Pantaleon Alva­rez  ng Davao.

Giit ni Marikina Rep. Miro Quimbo, isa sa mga katungali ni Suarez sa puwesto, hindi puwede si Suarez maging lider ng minorya dahil bumoto at nangampanya siya para kay Arroyo.

Alinsunod sa pataka­ran sa Kamara, ang lahat ng bumoto sa nanalong speaker ay magiging parte ng mayorya.

Ang posisyon ni Quimbo ay sinangayunan ni dating Majority Leader Rodolfo Fariñas na nagtulak kay Rep. Eugene Michael de Vera bilang minority leader.

Ayon kay Fariñas, si De Vera, ay ang nag-iisang miyembro ng mi­nor­ya na hindi bumoto kay Arroyo at bilang assistant minority leader ni Suarez ay may kara­patan na angkinin ang puwesto na iniwan ni Suarez nang bumoto siya kay Arroyo.

Ayon kay House Majority Floor Leader at Camarines Sur Rep. Rolan­do “Nonoy” Anda­ya, Jr., tapos  na ang isyu sa minorya.

“I would like to finally resolve the mino­rity leadership issue… and recognize Rep. Suarez as the minority leader,” ani Andaya.

Sabi ng mga kagrupo ni Quimbo, isang hilaw na minorya sila Suarez.

Ayon kay Suarez, hindi naman nabakante ang puwesto niya nang nagkaroon ng pagpapalit ng Speaker.

Isa si Suarez sa 184 mambabatas na bumoto kay Arroyo.

“Paano,” ani Quim­bo, “gagampanan ni Suarez ang liderato ng minorya bilang “fis­calizer” kung kaalyado siya ng mayorya?”

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …