Friday , November 1 2024

‘Gluta’ rep inireklamo (Sa Kamara ‘nagpapalit ng kulay’)

Hataw Frontpage Gluta rep inireklamo (Sa Kamara nagpapalit ng kulay)

UMANI ng batikos at matinding kritisismo mula sa concerned citizens at netizens ang isang representante ng isang party-list dahil sa nabuking na ‘gluta session’ sa mismong opisina niya sa Batasang Pambansa.

Sa isang pormal na reklamo na inihain sa House Ethics Committee ng grupong Pinoy Aksyon for Governance and Environment o PAGE, sinabi nito na ang Gluta session na ginawa sa mismong opisina ni Mata Party-list Representative Trisha Nicole Catera sa Batasan ay “kilos na hindi kanais-nais at pagla­pastangan sa kanyang mandato bilang repre­sentante.”

Ayon kay Bency Ellorin, chairperson ng PAGE, nakahihiya itong gawain na pinahintulutan ni Catera sa kanyang opisina, at inilathala at ipinagmalaki pa sa kanyang social media accounts.

Nasa session ang Kongreso pero ‘gluta ses­sion’ ang ginagawa ni Catera imbes pinagtu­unan ng pansin ang kanilang gawain.

Nangangamba rin ang PAGE dahil ang mga ‘gluta session’ ay mga medical practice na dapat ay nasa tamang lugar at may kaakibat na super­bisyon mula sa mga lisensiyadong medical practitioners.

Isinaad ni Ellorin na dapat siyasatin nang husto ng ethics com­mittee ang aktibidad ni Catera na sa kanilang pakiwari ay “unautho­rized use of gover­nment properties  that are unrelated to official functions.”

Dahil sa paglathala ni Catera sa Facebook ac­count niya ng sinasabing ‘gluta sessions,’ mara­ming netizens ang nagalit at naghayag ng kanilang damdamin na ang gani­tong mga gawain ang nagtutulak sa kanila para hingin na ang pagbuwag sa party-list system.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang opisina ni Catera at hini­hintay muna ang magi­ging hakbang o abiso sa kanila ng Ethics Com­mittee.

Ang ‘gluta sessions’ ay isang proseso sa cosmetic medicines na nagpapaputi ng balat ng isang tao.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *