Sunday , December 5 2021

Kapag nakaplakang otso dapat bang abusado?

KASING bagsik siguro ng pulbura ang ‘tama’ ng plakang otso kaya ang mga nagkakaroon nito ay tumatapang.

Kasabihan ng mga abuelo at tatay noong araw, kapag dudungo-dungo ang anak na lalaki paamuyin daw ng pulbura o kaya ay pakagatin sa talim ng kutsilyo o gulok, tiyak raw na liliyad ang dibdib.

Ganyan din kaya ang epekto ng plakang otso?

Hindi lang iilang beses nasangkot sa eskandalo ang mga nagma­maneho o sakay ng mga sasakyang may plakang otso.

Ang pinakahuling insidente, ang pinag-uusapan ngayong road rager na FJ Cruiser na may plakang otso.

Hindi lang isang beses kundi dalawang beses nang naispatan at nag-viral pa ang video sa social media (socmed).

Mismong ang pamunuan ng Kamara ay nanawagan sa Philippine National Police (PNP) at Land Transportation Office (LTO) para ‘tugisin’ ang driver o ang nagmamay-ari ng FJ Cruiser na may plakang otso.

Alam naman nating lahat na ang plakang otso ay designated sa mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

At hanep sa kayabangan ang nagmamaneho ng FJ Cruiser dahil ipinagsigawan pang anak siya ng congressman.

Pero itinanggi na ni Pampanga Rep. Carmelo Lazatin na siya ang namamay-ari ng nasabing FJ Cruiser. Ang plaka umano sa nasabing sasakyan ay inisyu noong 16th Congress, ngayong 17th Congress ay hindi nag-isyu ang Kamara ng plakang otso.

Kung hindi man tunay na kongresman ang may-ari niyang sasakyan na ‘yan na may plakang otso, e sino pala?!

Aba e, bilis-bilisan ng PNP at LTO ang pagtugis sa sasakyang ‘yan kasi baka bukas makalawa naunahan na sila ng mga carnapper at chop-chop na ang ‘ebidensiya’ lalo kapag natukoy na kung sino ang driver o may-ari ng FJ Cruiser.

Palagay naman natin kung dalawang ahensiya na (PNP at LTO) ang maghahanap sa abusadong FJ Cruiser na nakaplaka ng otso, e madali na nilang matatagpuan ‘yan.

Kung sakaling matukoy na kung sino ‘yang maangas at abusadong FJ Cruiser na may plakang otso, tingnan natin kung gaano katapang ‘yan kapag nakakita ng pulburang nakabasyo.

Tuldukan na sana ng PNP at LTO ang hulaan kung sino ang may-ari ng FJ Cruiser na ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Welcome MPD New District Director S/Supt. Vicente Danao Jr.
Welcome MPD New District Director S/Supt. Vicente Danao Jr.
Happy Birthday NCRPO Chief, Director Guillermo Eleazar!
Happy Birthday NCRPO Chief, Director Guillermo Eleazar!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY

MARAMI na akong nabalitaang uri ng pagpatay, pero hindi ko akalain na sa ganitong panahon …

Sir Jerry Yap JSY Hataw

Isang alaala ng walang pag-iimbot na pagtulong

ISANG alaala na hindi ko makalilimutan habang ako ay nabubuhay ay nang magkaroon ako ng …

Sir Jerry Yap JSY Percy Lapid

True friendship lasts forever

MAGANDANG gabi po sa inyong lahat. Una ko pong nakilala si Jerry Yap, sa katotohanang …

Sir Jerry Yap JSY Rommel Sales

Maligaya na ang birthday ko, okey na si Rommel — JSY

MARAMING salamat, Sir JSY. Nabulabog mo kaming lahat, mga tauhan mo, pamilya, lahat ng nagmamahal …

Sir Jerry Yap JSY Dianne

JSY: The authentic Mr. Bulabugin until his death

GOOD evening, Everyone. My name is Diane, and I’m the daughter of Jerry Yap. I …

Leave a Reply