Wednesday , April 23 2025

Nat’l budget bubusisiin bago ipasa — Nograles

BUBUSISIN ang panu­kalang P3.7 trilyong bud­get para sa taong 2019 bago ipasa sa pangatlo at huling pagdinig.

Ayon kay Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, pinuno ng Committee on Appropriations,  magdo-double time ang Kamara sa pagbusisi sa budget para maipasa ito bago mag-adjourn sa Oktubre.

Anang mambabatas, medyo nahuli sila sa pag-uumpisa sa pagdinig ng budget pero gagawan nila ito ng nararapat na para­an para matapos at mai­pasa.

Naantala ang pagdinig sa budget matapos matuk­lasan na may mahigit P50 bilyong pondo ang naka­tago sa Department of Public Works and High­ways (DPWH) para sa piling kongresista.

Ang pondo ay pag-uusapan ng “committee of the whole” kung saan ito ililipat.

Ayon kay House Majo­rity Leader at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, Jr., maganda ang umpisa ng pagdinig sa budget noong Miyerkoles.

Nag-umpisa sila ng 10:00 am ng Miyerkoles at natapos ng 4:00 am ng Huwebes o katumbas ng 18 oras na session.

Ani Andaya, minarapat ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na ta­pu­sin ang lahat ng debate sa budget ng bawat ahen­siyang nakasalang sa araw-araw “regardless of  time,” ani Andaya.

Nag-umpisa ang de­bate sa budget pagkata­pos magtalumpati si  Compos­tella Valley Rep. Maria Carmen Zamora, senior vice chairperson ng House appropriations committee, patungkol sa budget.

(GERRY BALDO)

 

About Gerry Baldo

Check Also

Ogie Diaz Camille Villar

Patutsada kay Camille Villar
Serbisyo ng PrimeWater ayusin — Ogie Diaz

IMBES mangako ng pabahay sa bawat pamilyang Filipino, dapat unahin ni Las Piñas Rep. at …

TRABAHO Partylist lumalakas sa Zambo Norte

TRABAHO Partylist lumalakas sa Zambo Norte

NAKAKUHA ng malakas na suporta ang TRABAHO Partylist mula sa partidong pinangungunahan ni Dipolog City …

Bambang Kalimbas Sta Cruz Manila Fire

Sa Sta. Cruz, Maynila
Residential-commercial building nasunog

TINUPOK ng apoy ang isang residential-commercial building na matatagpuan sa kanto ng Bambang at Kalimbas …

Valenzuela fire

Packaging factory 15-0ras nilamon ng apoy sa Valenzuela

TINUPOK ng malaking sunog ang isang pabrikang matatagpuan sa T. Santiago St., Brgy. Veinte Reales, …

Arrest Shabu

Sa Montalban Rizal
15-anyos binatilyo, 2 iba timbog sa P1.3-M shabu

HINDI bababa sa P1.3-milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakompiska mula sa isang 15-anyos binatilyo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *