Tuesday , October 19 2021

‘2 private firms only’ hinataw (Tower providers pumalag kay RJ)

Hataw Frontpage PINOYS TIWALA KAY LENI, 2 PRIVATE FIRMS ONLY HINATAW
Hataw Frontpage PINOYS TIWALA KAY LENI, 2 PRIVATE FIRMS ONLY HINATAW

HINAGUPIT ng industry giant American Tower Corp., at  ng Telenor Norway  ang panukala ni Presidential  Adviser on Economic Affairs and Information Technology Communications Ramon Jacinto na limitahan sa dalawang kompanya ang papayagang maging tower providers sa bansa.

Ginawa ni Manish Kasliwal, chief business officer ng American Tower sa Asia, at ng kinatawan ng Telenor Norway, ang pahayag sa kauna-una­hang public consultation ng Department of In­formation and Commu­nications Technology (DICT) sa ipinapanukala nitong pag-aalis sa mga local telecom company ng responsibilidad na mag­tayo at mag-operate ng sarili nilang cell sites noong nakaraang linggo.

Giit nila, hindi dapat limitahan ng pamahalaan ang bilang ng mga kom­panya na nais pumasok sa ‘independent tower provider sector’ sa Fili­pinas.

Sa naturang public consultation, nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan nina Jacinto at Globe Telecom General Counsel at Senior Vice President Froilan Castelo hinggil sa isinusulong na ‘common tower policy’ ng DICT.

Nagpahayag ng pag­dududa si Castelo kung paano magiging mabilis ang proseso sa pagtatayo ng cell sites kung ito ay ibibigay sa isang inde­pendent tower provider.

Sa karanasan, aniya, ng Globe, umaabot hang­gang walong buwan ang kanilang hinihintay para maaprobahan ng kanilang permit, partikular sa local government units para makapagpatayo ng kani­lang tower.

“It is the bureaucracy that really kills us,” aniya, kung kaya mayroon na rin umanong proposal ang Globe na magkaroon ng tower company sub­sidiary, na magiging part­ner nila ang gobyerno, para matugunan ang problema sa pagka­ka­antala sa pagbibigay sa kanila ng naturang  per­mit.

Bukod dito, magiging paglabag din umano sa kanilang congressional franchise ang hindi pagkakaroon ng sariling cell site dahil nakasaad na responsibilidad ng telco na sila ang gumawa at mamahala ng kanilang tower.

“Preventing us from doing that will be considered as impairment of contract and in viola­tion of the Philippine constitution,” pagdidiin ni Castelo.

Inalmahan din ni House  Minority Leader at Quezon province Rep. Danilo Suarez ang natu­rang plano ng DICT.

“I think it’s not fair,” ang mariing tugon ni Suarez nang hingan ng reaksiyon hinggil sa ‘common tower policy’ na nais ipatupad ng nasa­bing ahensiya ng pama­halaan.

Ayon kay Suarez, para makatipid-tipid ay mas mabuting gamitin ang ‘backbone’ ng Trans­Co (National Trans­mission Corporation).

Giit niya, hindi siya sang-ayon sa panukala ng DICT na ibigay sa ‘independent company’ ang pagpapatayo at operasyon ng mobile phone at telecom­mu­nications towers, na gaya ng nais mangyari at hayagang ipinag­tatanggol ni Jacinto.

“I don’t care (kung sino pa ang napu-push), but that’s not fair. Alam mo, pagkakaperahan lang ‘yan, hindi pupu­we­de ‘yan,” anang Quezon province law­maker.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Janine Gutierrez

Janine Gutierrez itinanggi basang kili-kili tweet; BBM supporters kuyog

FACT SHEETni Reggee Bonoan MARIING itinanggi ni Janine Gutierrez ang umano’y viral tweet niya na pinansin …

101821 Hataw Frontpage

Exclusive: Pinay sa Kuwait patay sa ‘sadiki’ bday girl nag-suicide (Nalason sa selebrasyon)

HATAW News Team ISANG 26-anyos overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait ang na-comatose hanggang tuluyang …

Smart, BTS

Pagbayad ng Smart-PLDT ng daang milyong piso sa foreign endorsers hinagupit ng kongresista

BINATIKOS ng isang partylist congressman ang top executives ng Smart-PLDT dahil sa pagkuha ng mga …

1,000 benepisaryo ng “Cash For Work” tumanggap ng 4k (Sa Parañaque City)

AABOT sa 1,000 displaced workers mula sa iba’t ibang barangay sa District 1 ng Parañaque …

shabu drug arrest

Live-in partners, isa pa timbog sa buy-bust

SWAK sa kulungan ang live-in partners at isa pa sa isinagawang buy bust operation ng …

Leave a Reply