ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MATUTUPAD na ang wish ng dating aktres na si Denise Frias na maging abogado ng mga celebrity. Kabilang kasi siya sa mga nakapasa sa katatapos na bar exam ngayong buwan.
Bilang nasa limelight din noon, alam daw niya ang pressure na nararanasan ng mga celebrity, pati na ang trauma, anxiety, at depression lalo na kapag naapakan ang rights nila as a public figure.
Anyway, inusisa namin ang dalaga kung ano ang pakiramdam niya bago lumabas ang results ng bar exam?
Esplika niya, “Three days bago po lumabas ‘yung results, kinakabahan na po ako, hindi po ako mapakali. Pero the day before po lumabas ‘yung results, ipinagdasal po ako ng isang priest sa Bacnotan Church. Nawala po ‘yung kaba ko after po niyon.”
Dagdag ni Denise, “Noon naman pong lumabas na po ‘yung results at nalaman kong nakapasa ako, una ko pong ginawa ay nag-pray po kami kay Lord at nagpasalamat. Hinug ko po ‘yung mga kasama ko sa bahay, nagpasalamat din ako sa kanila and sunod-sunod na po ‘yung tawag noon sa akin from family, co-workers and friends…
“Nag-thank you ako sa kanila, ang naisip ko noong mga panahon po na ‘yun, ise-serve ko po ‘yung purpose ng pagpasa ko na ipinagkaloob sa akin ng Panginoon.
“Sobrang saya ko po, pero lagi sa akin sinasabi ng parents ko and mga tita and tito ko na privilege lang ito, have confidence pa rin, kailangan po ‘yun pero huwag ko raw po kalimutan maging humble.”
Ngayong Atty. Denise na ang tawag sa kanya, ano ang kanyang nararamdaman?
“Technically, hindi pa po ako matatawag talaga na Attorney since ang oath-taking and signing of rolls ay sa February 6, 2026 pa po, sa Philippine Areana sa Bulacan po. Pero, overwhelmed po ako na natatawag na po ako ng mga tao ngayon bilang attorney,” nakangiting sambit pa niya.
So anong plano niya ngayon? “Plan ko po ngayon? Hmmm, secret pa po. Medyo secretive po ako sa plans in life. Nagpo-post lang po ako (sa socmed) kapag nandiyan na.”
Inusisa rin namin siya kung game bang magbalik-showbiz?
Aniya, “Yes po, may balak din po akong magbalik sa showbiz. Kumbaga po, second priority ko po siya. Kung mayroon pong opportunity, iga-grab ko po as long as ‘di po siya conflict sa pagiging lawyer ko. Basta hindi ko po mapapabayaan ‘yung trabaho ko bilang lawyer, so puwedeng-puwede naman po.”
Nabanggit din niya ang mga nais pasalamatan. “Gusto ko pong pasalamatan, unang-una si Lord, Siya ang nag-guide sa akin, ang family ko, especially my parents and siblings, dahil sobrang supportive po nila.
“Thanks din po sa mga naging teachers ko since elementary to high school, lahat po ng professors and instructors ko sa FEU noong college, professors ko po sa DMMMSU College of Law, unang-una si Dean Buccat, Atty. Camat, Atty. Caroy, lahat po silang naging professors ko, mga classmates ko po sa Law School, former bosses ko po, Ma’am Gina, malambing at supportive po iyan, si Atty. Wailan, strict pero napakabait po niyan, Ma’am Evelyn, parang nanay ko na po iyan, Atty. Rozzanne na very supportive po sa akin niyan, co-workers ko po sa LMB, DepEd, DSWD, at co-workers ko po sa DMMMSU Legal Services Unit.
“Pati friends ko rin po sa showbiz industry, pati na rin po sa friends ko both in Manila and Pangasinan. Thank you po sa City of San Carlos, Pangasinan and Municipality of Lingayen, Pangasinan.”
Nag-aral ng Law si Denise sa San Sebastian College-Recoletos Manila, then lumipat sa Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU) sa La Union hanggang sa nakapagtapos.
Siya ay nagsimula sa showbiz bilang talent sa ilang TV shows. Mula rito ay nag-acting workshop si Denise, nakagawa ng ilang indie films tulad ng “Mga Batang Lansangan” at “Field Trip.” Pero ang most memorable niya ay nang naka-eksena si Coco Martin sa top rating TV series na “Ang Probinsiyano
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com