MALAKI ang pagsisisi ng kontraktor na si Pacifico “Curlee” Discaya sa ginawang pagpapangalan sa mga sangkot sa kontrobersiyal na flood control projects dahil silang mga contractor ang nalaglag sa isyu habang nananatiling ‘untouchables’ ang mga sangkot na politiko.
“Politicians escape and we pay price,” ito ang mariing hinanakit ni Curlee Discaya nang makapanayam ng isang source at sinabing isinakripisyo nila ang lahat, maging ang kanilang reputasyon na maisambulat lahat ng kanilang nalalamang korupsiyon sa pamahalaan pero nasaan sila ngayon at sila pa ang nadidiin.
“They are making us the big fish. They keep talking about P180 billion in projects, but that was over 20 years. Yet they make it seem as if we just got it all now,” ayon kay Curlee.
Mariing itinanggi rin ni Discaya ang alegasyon kaugnay sa ghost projects na ang mga proyektong nahahawakan nila ay mga roads at schools projects.
Giit ng lalaking Discaya, wala silang ghost projects at karamihan sa kanilang mga nahawakang proyekto ay audited naman ng Commission on Audit at kung may ghost projects na lumalabas, malamang na intensiyon na ginawa iyon para magkaroon ng misappropriate funds.
Pinagsisihan din niya ang paglalabas ng pangalan ng mga sangkot na politiko na tumatanggap ng kickbacks.
“Maybe we shouldn’t have named them. Maybe we should have just gone along with the system. But when we exposed these corrupt practices, we ended up being seen as the bad guys,” paliwanag pa ni Discaya.
Ayon pa source, hindi maganda ang kinahinatnan ng pagiging whistleblower nilang mag-asawa dahil nalaglag sa pagkakakulong ang kanyang misis na si Sarah, kaugnay sa akusasyon ukol sa umano’y “ghost project”.
“If we hadn’t named the politicians, my wife wouldn’t be in jail. The project she’s accused of ghosting actually exists,” ayon kay Curlee habang ang kanilang legal team ay naghahanda para mapatunayan ang ibinibintang na ghost projects.
Sinabi niya na maging ang mga regional directors at district engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay inabandona sila at hindi pinagtanggol bagkus sila ang nalaglag. (VICK AQUINO)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com