Wednesday , January 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xia Vigor

Xia Vigor planong kumuha ng acting lessons sa London, “Mahal Kita” title ng kanyang debut single

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAY single na aabangan sa talented na young actress na si Xia Vigor. Ang titulo ng kanta ay “Mahal Kita” at tiyak na papatok ito sa mga bagets, lalo na sa fans ni Xia.

Nalaman namin ang hinggil sa single ng young actress sa mother niyang si Ms. Christy Bernardo. Inusisa rin namin kung si Xia ba ang nag-compose nito?

Tugon niya, May kinompose rin po siyang kanta na sariling gawa ni Xia, pero iyong ire-release po muna na una ay ang hindi siya ang nag-compose.

“Ang title po ng song ay Mahal Kita at  ito po ay tungkol sa young love na nahihirapan siya kung paano niya sasabihin yung nararamdaman doon sa guy na gusto niya.”

Pang bagets o pang-Gen Z ba ang song?

“Yes po, pang Gen Z po ‘yung song,” matipid na tugon pa ng mother ni Xia.

Aniya pa, “Under ng VICOR MUSIC po ito na owned din naman po ni Boss Vic del Rosario.”

Nalaman din namin na ang teleserye nina Xia na tinatampukan nina

Krissha Viaje at Jerome Ponce titled ‘Para Sa Isa’t Isa’ sa TV5, ay extended hanggang February.

Nang maka-chat naman namin si Xia, thru Facebook din, nalaman namin na kasama pala siya dapat sa Bagets na musical. 

“Dapat po nasa Bagets musical kami ni Charles, pinapunta po kami pero hindi po kami tumuloy dahil baka po kasi mag-conflict sa ibang ginagawa namin. Kasi until March po ito magra-run, from January to March. 

“May mga gagawin po kasi kaming project na hindi pa lang puwedeng magbigay ng details for now.” 

Since sasabak na rin siya sa pagkanta at recording, ang kanyang acting career and singing career ay pagsasabayin ba niya?

Esplika ni Xia, “I would love to be doing both po sana, pero mas confident po ako sa acting. Kasi nga po noong nag-start ako sa Ang Probinsyano ay five years old po ako, kaya feeling ko mula nang nagkaisip ako ay uma-acting na po ang naalala kong ginagawa ko.

“Kaya alam ko pong kapag acting ang ginagawa ko, confident akong I can give my best palagi.”

Dagdag pa niya, “Actually first time po akong nakabasa is yung script ko sa Home Sweetie Home with Kuya John Lloyd (Cruz) po. Instead na sa school, sa script po ako unang natuto na magbasa, kaya acting is my life po talaga.

“Also po, I’m planning to study acting lessons sa drama school sa London, hopefully soon, para po I can be a professional actress talaga,” mahabang pahayag pa ni Xia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Alden Richards

Dyowa target ni Alden ngayong 2026 

MATABILni John Fontanilla TARGET ng Kapuso actor na si Alden Richards ang pagkakaroon ngayong 2026 …

Joseph Marco Rhen Escaño

Rhen kinilig nang malamang crush ni Joseph 

ni Allan Sancon USAP-USAPAN ngayon  ang bagong pasabog ng Viva One matapos opisyal na ipakilala sa members ng …

Breaking The Silence cast

Breaking The Silence pelikulang bumabasag sa usaping mental health ng kabataan

ni Allan Sancon UMANI ng matinding atensyon ang pelikulang Breaking the Silence ni direk Errol Ropero dahil sa matapang …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo nanginig buong katawan, nahirapan pang mag-Ingles dahil sa lamig

IPALALABAS na sa February 4 sa mga sinehan ang Spring In Prague na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao. Nag-shoot …

Jaime Yllana Anjo Yllana

Jaime humingi ng paumanhin ‘nasagasaan’ ng amang si Anjo

RATED Rni Rommel Gonzales VIRAL at kontrobersiyal ang mga video ni Anjo Yllana sa samo’tsaring isyu sa …