Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pinky Amador Shira Tweg Potchi Angeles

Pinky Amador almusal ang bashing, Potchi at Shira may chemistry

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NASASAKTAN din si Pinky Amador sa mga bashing na natatanggap. Ito ang inamin ng aktres sa media conference ng Breaking The Silence matapos ang red carpet premiere nito na isinagawa sa Trinoma Cinema noong Sabado ng gabi.

Biro nga ni Pinky, “I eat bashing fo breakfast.”

Napag-usapan ang ukol sa bashing bilang ito ang tema ng Breaking The Silence na handog ng Gummy Entertainment at pinamahalaan ni direk Errol Ropero.

Bagamat nasasaktan din sa mga natatanggap na bashing ikinakabit ito ni Ms Pinky sa mga karakter ding ginagampanan sa telebisyon at pelikula lalo’t madalas ay kontrabida.

Ang pelikulang Breaking The Silence ay tungkol sa mga taong may mental health problems tulad ng anxiety, depression, bipolar, personality na nakararanas ng bullying mula sa mga taong inakalang mga kaibigan.

Napag-alaman naming advocacy din ang ganitong tema ng pelikula ni direk Errol na ipinalalabas sa mga eskuwelahang pampubliko at pribado na talaga namang nakatutulong sa mga estudyante para maging aware rin sila gayundina ng mga guro nila sa ganitong problema o pangyayari.

Nakatanggap ng kabi-kabilang bashing si Pinky matapos siyang mag-post sa socmed ukol kay Ka Tunying Taberna.

Aniya, “I think nakatulong din ‘yung role ko bilang kontrabida kasi hindi maiiwasan na iba-bash ka talaga.

“So, matututo ka to take it with the grain of salt.

“Kasi karamihan walang picture, karamihan hindi totoong pangalan, nagtatago sa alyas or sabihin na nating baka troll sila or karamihan doon lang sila nagkakaboses sa social media dahil wala silang boses sa totoong buhay.”

Dagdag pa ng aktres, “So, for me it comes with the job. Siyempre hindi maiiwasang may time masakit talaga at may time na mapapaisip ka.

“Pero over all, when you take a step back, you always have to think of the bigger picture.  

“So kapag ganoon, I just take it na siguro I’m doing my job well dahil nagre-react sila.” 

Asawa ni Jeffrey Santos ang role ni Pinky sa pelikula at mahigpit na ina ni Shira Tweg. Mas focus ito sa kanilang negosyo kaya naman hindi niya nabibigyan ng tamang oras o panahon ang anak. 

Bukod kina Pinky, Jeffrey, at Shira ay kasama rin sa cast sina Potchi Angeles, Ramon Christopher, Rob Sy, Pekto Nacua, Bugoy Cariño, Mark Herras, Gray Weber, Gene Padilla, at Ryrie Sophia.  

Speaking of Potchi, magaling ang batang ito na first time lang naming napanood. Ginagampanan niya ang karakter ni Billy, isang underprivileged student na nakararanas din ng bullying.

Sila ni Shira ang magka-loveteam sa pelikula na bagay na bagay at ang dinig namin may following na at sikat sa mga eskuwelahang iniikutan ng kanilang pelikula.

Pinupuri ni Potchi si Shira na aniya magaling at masarap katrabaho kaya naman agad silang nag-jive at nagkaroon ng chemistry.

Magaling at epektibo ang ipinakitang galing ni Potchi sa Breaking The Silence. Mabigyan lang ng magagandang proyekto ang batang ito tiyak na malayo rin ang mararating.

Sa kabuuan, maganda ang mensahe ng Breaking The Silence  dahil sa maganda nitong mensahe na sana’y mas marami ang makapanood. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Mentorque GMA Pictures 58th Huwag Kang Titingin Ella Arcangel

Mga pelikula ng GMA aarangkada na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus  MARAMI na namang kaabang-abang na pelikula mula sa GMA Pictures para sa taong …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …

Jennylyn Mercado Dennis Trillo Sanggang Dikit FR

Dennis nakiusap tantanan asawang si Jen sa mga intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TO the rescue ang manager nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na si tita Becky Aguila sa …

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …